…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Parepresyong Unibersidad ng Pilipinas

Hindi naman wet dreams, pero nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw na bahagyang basa ang unan gawa ng panis na laway na tumagas mula sa dalisay na bukal ng aking bunganga. Lunes na naman, himalang nagising ako ng maaga nang hindi napapaos ang cellphone ko sa pag-alarm. Pero tulad pa din ng dati, binubulyawan pa din ako ng isip ko na kailangan ko nang bumangon, pero normal na sa mga katulad ko na pagunang gising e ilang ‘five-minutes’ muna ang lilipas bago tuluyang babangon. Humigit dalawang oras ang ginugol ko sa pagaasikaso sa sarili ko, ligo, kain, bihis at ang pinakamatagal, ang pagaayos ng buhok na talo pa ang baklang nagpa-semi kalbo sa adik. Nakakapawis na ng kili-kili ang sikat ng araw ng makaalis ako sa bahay, alas siete at ang oras ng klase ko ay alas otso y medya, dalawang oras ang byahe ko at habang nagaantay ng masasakyan ay nai-imagine ko ang isang pink na class card na sa likuran ay tadtad ng mga maliliit at patayong linya na katumbas ng salitang ‘late’. Pinara ko ang isang jeep na puno na pala ng pasahero pero ang kundoktor nitong nagmistulang tindahan ng hikaw ang mukha e sige pa rin ang pagkumbinsi sa akin na may mauupuan pa. Nakaupo naman ako pero para akong nagsasanay ng kung-fu sa posisyon ko na tigkalahating pisngi lang ng puwetan ko ang nakalapat.
Jeep, bus, jeep. Araw- araw, sa loob ng dalawang oras na byahe, isa na sa mga sangkap ng pabango ko ang usok mula sa mga sasakyan habang soundtrip naman ang mga nakakarinding busina. Di na din mabilang ang tono ng pananalita ang nailapat ko sa mga katagang ‘bayad ho, cubao, estudyante’ sa tuwing sasampa ako sa sasakyan. At halos sanay na ako makipaggitgitan at sumakay sa mga sasakyang nasa loob ang tambutso. Ang resulta, dadating ako sa iskul na amoy talyer at pawisan ang singit. Halos walang pinagiba ang karanasan na yon sa mga nauna maliban nang dumating na ako sa pinapasukan kong unibersidad magaalas nuwebe na ng umaga.
Papalapit na ako sa entrance gate at para akong namimili sa ukay-ukay sa paghahalungkat ko sa bag ko para kunin ang gate pass na tinatawag nilang ID. Nakakatawa dahil ang mga legal na estudyante dito na walang maipakitang ID pagpapasok e sumasailalim muna sa isang masinsinang interogasyon ng mga guard, para bang mga terorista kung ituring. Pero kapag mga bisita naman ang papasok at walang maipakitang valid ID, kahit sabihin mo lang sa mga guard na magpapahangin ka lang sa loob e papapasukin ka na. Kung sino pa yung dayuhan, sila pa yung mas binibigyan ng prebelehiyo na magpasok ng bomba. Nakapasok na ako sa loob ng mailabas ko ang ID ko at doon ko lang napansin na wala pala niisa man lang na guard na nagbabantay. Dahan-dahang bumagal ang lakad ko habang nililingon ang bandang kanan at kaliwa, bahagyang pang pumihit ang ulo ko para masulyapan ang paligid. Isang malaking ‘question mark’ ang lumitaw sa ulo ko kasabay ng pagsasalubong ng dalawa kong kilay. Sa abot ng mga natanaw ko e walang dudang ako lang ang nilalang sa mga oras na yon. Kakaiba ang pakiramdam dahil first time ko masilayan ang eskwelahan ko na ganon katahimik, ako lang ang tao at parang ang sarap sumigaw. Naglakad pa ako ng ilang metro palayo sa gate. Tanging mga lagaslas ng mga dahon at maliligalig na hangin ang naririnig ng tenga ko habang binabaybay ko ang waiting shed. Nasapawan ang pagod ko sa byahe ng pagtataka kung anong kababalaghan ang nangyari o kung anong klaseng program ang pinagdiriwang ng campus at parang sinadyang di ipaalam sa akin. Para nga akong nasa isang tipikal na zombie-suspense film, alertong naglalakad at sobrang tahimik ng paligid, biglang bubulaga ang isang matabang zombie na naka-costume ng uniporme pang security guard, naaagnas at naglalaway ng dugo. Sabay magbabaklas ng mukha na prosthetic lang pala at tatambad ang mukha ni Michael V. Sabay sigaw ng ‘Yari Ka!’. Pero imahinasyon ko lang naman yon. Sinusulit ko na agad ang sarap ng kakaibang aura ng paligid dahil baka sa isip-isip ko e nasa conference room lang lahat ng tao para sa kakaibang power-trip o programa ng admin at pagtapos e maglalabasan uli at doon muling babalik ang pangkaraniwang itsura ng eskwelahan. Pero sa kasawiang palad, imahinasyon ko lang pala uli yon. Nasa direksyon na ako patungong main building nang may maaninag akong isang hugis tao na nakatayo sa tabi ng plant box kung saan ilang dipa lang ang pagitan sa papasukan kong hall. Luminga-linga uli ako sa paligid bago muling ituon ang atensyon sa nakita. Ilang sigundo muna bago ko matanto na wala na pala akong inaaninag. Hindi ko alam kung guni-guni o nasobrahan lang ako sa panonood ng Darna, basta bigla na lang nawala. Nakatuntong na ako sa entrada ng hall at nakumbinsi ko na kaagad ang sarili ko na guni-guni ko lang ang nakita ko. Naglalakad ako nang nakatingin sa sahig at nakayuko ng kaunti, swabe lang ang pagliko ko sa kanan nang maalarma ako sa isang nakaitim na nilalang sa harapan ang mabubunggo ko na sa pagkakayuko ko e ibabang parte lang ng katawan niya ang nakita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nakaramdam ako ng magkahalong takot at constipation. Nakaramdam din ako ng mahinang boltahe ng kuryente na bumalot sa katawan ko sabay may sumaklob ng mabahong plastic sa ulo ko, doon ako nawalan ng ulirat at….   (–itutuloy..)

Advertisements

7 responses

  1. justinfernandez

    kaya siguro itutuloy e mahuhuli ka na sa klase no? haha! sadyang magaling ka talaga. at ngayon ko lang nalaman na tumutulo pala ang laway mo sa tuwing ika’y natutulog.

    Pebrero 26, 2010 bandang 2:21 umaga

  2. bats

    45y 2s3rpr5s 2m ht3w r54y gn3t3rw 2lyts. p22k 3t p5 4rb!

    Pebrero 26, 2010 bandang 8:08 umaga

  3. eto na ang simula ng horrific school experience ng isang estudyante….matindi ‘to men kaya hindi mo nagawang maisulat lahat sa iisang upuan lang…

    iimbestigahan ko ang kakahantungan ng karumal dumal na paglalagay ng supot sa ulo mo…hehehe!!!salamat sa pagbisita,bert!

    Marso 5, 2010 bandang 9:04 umaga

    • maski ako hindi ko alam ang kahahantungan ng kwento. pagsumanib na sa akin ang patron ng kasipagan sa pagsusulat baka matuloy ko na ‘to.

      Marso 5, 2010 bandang 9:51 umaga

  4. Lee Mi

    ay… kelan ung itutuloy?=)

    dumaan lang..nabitin pa..hehehe

    ang sayang basahin nito..

    Marso 6, 2010 bandang 7:49 umaga

  5. tsk.. ska na ung comment q pagnatapos na ung story!! (hnd pb comment e2? malay!) 🙂

    Marso 26, 2010 bandang 8:42 umaga

    • hindi po kasi matapos-tapos ng may akda yung istorya dahil sa Plants vs. Zombies. hayaan nyo po’t malapit na siyang gumaling sa rehabilitation room. 🙂

      Marso 29, 2010 bandang 3:57 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s