…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Parepresyong Unibersidad ng Pilipinas (…pagpapatuloy)

…doon ako nawalan ng ulirat at naparalisa ang buo kong katawan. Dumilim ang buo kong paningin at ang pinakahuli kong naramdaman ay ang dahan-dahang pagtumba ng katawan ko pero hindi ko na naramdaman ang paglagapak. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin nung mga sandaling yon at kung sinong nilalang ang bumalahura sa ulo ko sa pagsaklob ng supot na amoy bagoong isda na kinulob sa medyas na gamit.
May yumugyog sa aking katawan na siyang dahilan ng pagkakagising ko. Medyo marahan pa ang pagdilat ng mga mata ko at may kalabuan pa ang aking mga nakikita. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko maaninag ang isang mukha ng babae. Biglang dumaluhong at nagsalimbayan sa utak ko ang mga tanong na: ‘nasaan ako?’ ‘anong ginagawa ko dito?’ ‘anong nangyari sa akin?’ ‘kumain na ba ako?’ ‘may account kaya siya sa Facebook?’ ‘..at sino itong babaeng ito??’.
“ ui, kumusta pakiramdam mo?, ok ka na?”
Sa halip na magsalita ako ay pagkunot ng mga kilay ang naisagot ko sa kanya. Nagkatitigan pa kami mata sa mata pero walang kissing scene na nangyari gaya ng karaniwang kamaisan na napapanood sa mga koreanobela. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at doon unti-unti kong naalala ang mga nangyari. Napatingin ako sa paligid at napagtanto ko na nasa isang class room ako na hindi ko alam kung saang parte ng building.
“ buti na lang natiyempohan ka namin kundi isa ka na ding somna..”
Napabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Isang lalaki na di nalalayo ang edad sa akin ang nagtatali ang kapirasong tela sa hawak niyang dos-por-dos. Hindi lang pala kaming dalawa ng babaeng yon ang nasa kwarto. Tatlo kaming kapwa mga estudyante at tila ako lang ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
“ nahuli ka kanina ng isang Impe, ginamitan ka niya ng pampatulog…buti na lang nagkataon na lumabas ‘tong si Mong, ayun, tahimik niyang nilapitan yung Impe, ginamitan niya ng isang malupet na taijutsu, nadisarmahan, ayun! Bagsak..kami na ang nagdala sayo dito.” biglang sabat ng babae at napatingin uli ako sa kanya. Doon na ako nagtangkang magtanong.
“ teka, ano bang nangyayari dito?” maangas kong tanong habang lumalaki ang butas ng ilong ko.
“ a, o nga pala, sige ipapaliwanag ko…nga pala, ako si Mong, 3rd year ng Socio, siya si Del, classmate ko. Sasabihin ko na sayo, hindi kapanipaniwala ang mga ikukwento ko, pero ito talaga ang kasalukuyang nangyayari di lang sa pamantasan natin kundi pati na sa lipunan natin. Ilang buwan na namin ‘tong pinagaaralan at iniimbestigahan at tama ang teorya namin. Matagal nang may mga Alien dito mismo sa Pinas! At hindi lang yon men, sa mga state universities pa gaya nito ang napili nilang breeding ground!”
“ lang ‘ya! Adik ba kayo? O impluwensyado lang kayo ng mga komiks ni Carlo J. Caparas?”
“ sabi ko nga sayo, hindi kapanipaniwala, pero makinig ka muna sa akin..ok?. So, hanggang sa ‘eto na nga ‘tong araw na ‘to. Ilang oras lang ang nakakalipas, pinatipon ng Admin ang lahat na mga estudyanteng sa Gym. Ayon na nga, nagtataka kami kung anong meron. Nung nasa Gym na kaming lahat, may nagsara ng parehong entrance at exit na parang kinandado pa. Tapos non, maya’t-maya e may sumingaw na usok galing sa gilid tsaka sa mga sulok! Bullshit men! Naalarma kaming lahat! E, di yun na nga, pucha! Kanya-kanya kaming takip ng ilong, pulasan, parang stampede sa wowowee! Buti na lang ‘tong si Del nakakita ng maliit na silong palabas sa may bench, ayun, tangina pinagkasya namin katawan namin! Pagkalabas, takbo kagad kami papuntang main building para makapagtago…kaya dito kami napadpad ngayon.
“ anak ng kulani! Ginawa ng Admin yun??”
“ oo tsong! At ‘eto ang dahilan…sa pagmamatyag namin, napagalaman namin na nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng mga Alien! Sunod-sunuran! Puppet! Tuta ng mga imperyalistang Alien… ngayon, ‘eto na ang ginawa nila sa mga estudyanteng nakatulog sa Gym dahil sa usok, tinuturukan nila ang mga estudyanteng ito ng isang kemikal na kung tawagin ay… (–itutuloy..)

Advertisements

3 responses

  1. i’ll tune again next week..=)

    Marso 11, 2010 bandang 11:23 hapon

  2. hahaha!!!scifi-comedy-conspiracy-suspence-thriller-action-adventure-fantasy-*insert other genre* na ang karugtong na ‘to.makasubaybaynga ulit.intresado akong malaman kung anung isisiwalat na kasunod sa tinatakbo ng kwentong ito.

    Marso 12, 2010 bandang 6:30 hapon

  3. salamat sa pagsubaybay sa kwentong walang ginawa kundi mambitin…diba nkakabadtrip? 🙂 ang masaklap pa don sa huli natin malalaman ang significance ng kwento. Actually isa itong fairy tale, o isang alegorya na kasalukuyan talagang nangyayari sa isang pamantasan at sa sarili nating lipunan.

    salamat uli sa pagtambay!!

    Marso 16, 2010 bandang 11:58 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s