…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Par..Uni..Pinas. (..wakas)

…na kung tawagin ay popcult. Isa ‘yong gamot na komposisyon ng mga sari-saring regulated drugs na pag napasobra sa katawan e magreresulta ng isang somnambulistic behavior, sa madaling sabi, mawawala ka sa sarili mo, kikilos ka nang wala sa isip, magiging bulag ka sa bawat desisyon mo at magiging sunod-sunuran ka na din sa kung ano ang ididikta sayo ng nakararami. Iyon ang plano ng admin. Gusto nilang maging pasibo ang mga estudyante,  pikit-matang sumunod sa anumang trip na ipapataw ng mga naghaharing uri para sa pansarili nilang ganansya. At iyon din ang dahilan kung bakit sa una pa lang ay mainit na ang dugo nila sa mga aktibista sa mga unibersidad. Gumagawa sila ng kultura na nagkukundisyon sa isip ng mga ibang estudyante na kapag naging aktibista ka ay ituturing kang kriminal, marahas, barbaro at hindi “daw” katanggap-tanggap sa lipunan. Ginagamit nila ang kaisipan na yon bilang psychological weapon. Ganon katalino ang admin, ganon kainutil ang mga mapagsamantala.”

Okupado pa din ang utak ko ng magkakahalong pagtataka, pagkagulat at mga question mark na kumukuti-kutitap sa ulunan ko. Sumandal ako sa kabinet para ma-relax at nagfeeling commercial model ng brief.

“…medyo nalalabuan pa ko pero kahit papano may naiintindihan ako sa mga sinabi mo. At yung sinasabi mong gamot na tinuturok nilang ano yun? ..Yakult?–”

popcult!“

“a, Oo..pucha! kung ganon pala kagarapal ang plano nila e magkakaroon at magkakaroon talaga ng dahas. Ginagamit nila ang edukasyon para kumapal ang mga pitaka nila.

“Ang tataas ng mga pinag-aralan pero halang pala ang kaluluwa. Tingin ko sinadya talaga nila gawing ganon ang sistema ng edukasyon, halos dalawang dekada kang magsusubsob sa pag-aaral para lang sa kapirasong papel na kung tawagin ay diploma, at pag nakakuha ka na non ay pwede ka nang magpaalila sa mga naglalakihang kompanya sa loob at labas ng bansa…pero ‘wag natin kalimutan, Alien ang tunay nating mga kalaban, gumbaga sa gameshow, sila yung nagi-sponsor para pumatok yung ratings ng mga yon at marami silang mauuto sa masa. Mahihirapan tayong kalabanin ang mga yon, kaya ang sa palagay kong mabisang solusyon ay hindi lang tayo lalaban gamit ang mga pinag-aralan, kailangan din nating gumamit ng pisikal na lakas.”

“..rebolusyon ba kamo?”

“sshh…dahan-dahan ka sa pagsasalita niyan baka ipadukot ka sa mga militar. Basta ang alam ko lang e napakalaking papel ang gagampanan ng mga estudyante para sa pagaayos ng sirang lipunan. Huwag nilang hayaang ang akademya nila sa eskwelahan ang sumira sa kanilang edukasyon.”

Magaala una y medya na ata ng tanghali non, walang kain-kain, kailangang magtago. Mainit ang diskusyunan at pagpaplano namin. Kailangang mag-ingat, malakas ang kapangyarihan ng kalaban. Si Del, tila abala sa pag kalap ng mga datos. Nang biglang may kumatok sa pintuan. Naalarma kaming tatlo’t nagkatinginan. Tila nagkaintindihan na huwag magsalita o gumawa ng anumang ingay. Lumakas pa ang katok na para bang nag-aalborotong Landlady na maniningil ng renta sa boarding-house. Dahan-dahan kaming gumapang papunta sa kanya-kanyang pagtataguan. Di ko maiwasang pagpawisan ng malamig at butil-butil habang nakasandal sa aparador. Inaantay na lang namin na tumalsik ang pinto at bumungad si Lizardo tsaka kami isa-isang gahasain. Walang mga Panday kids o Wonder Pets sa totoong buhay na pwede naming hingian ng tulong. May mga sitwasyon talaga na mas maaasahan mo pa din ang sarili mo. Maya’t-maya pa ay tumigil ang pagkatok. Binalot ng katahimikan ang kwarto. Nangungusap ang mga hininga namin. Naghahanap na ako ng matigas na bagay sa paligid ko na pwedeng ipanghambalos nang marinig namin ang biglang pagbasag sa salamin ng pintuan. Malulutong na kalansing ng mga bubog ang naging sound effects para sa climax ng eksena. Tatlo…dalawa…isa. May sumingaw na puting usok na di ko alam kung saan nanggaling. Mabilis itong kumalat at nung makaabot ito sa bungad pa lang ng ilong ko ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Pumuti na ang paligid at nagluluha na ang mga mata ko epekto ng usok, dahilan para di ko na malaman kung ano na ang nangyayari sa mga kasamahan ko. Pasuray-suray na ako nung mga sandaling yon at nakakaaninag ako ng mga anino na parang umaaligi-aligid sa kwarto. Kasabay noon ang mga malalakas na pagsabog na naririnig ko sa labas. Mga halo-halong sigaw, parang mga estudyanteng nagwawala. O tila mga estudyanteng naglulunsad ng rebolusyon. Kaliwa’t kanang pagputok at pagsabog. Pagsigaw at pagiyak. Ramdam ng mga paa ko ang pagyanig sa lupa. Dahan-dahan akong nauupos habang nakikita ko ang paligid kong sumasayaw. Lumagapak ako sa sahig at wala na kong maalala.

Unti-unti’t papalakas, may naririnig akong isang pamilyar na tunog. Hanggang sa sumusuot na sa tenga ko ang tunog ng intro ng kantang Careless Whisper. Napadilat ang mga mata ko at ang cellphone ko kagad ang una kong nakita na umaandap-andap ang ilaw sa saliw ng kantang Careless Whisper. Saka ko napagtanto ang lahat. Alas kwatro na ng umaga.

Lunes. Pasukan na naman at nagising akong bahagyang basa ang unan gawa ng panis na laway na tumagas mula sa dalisay na bukal ngaking bunganga.

Advertisements

8 responses

  1. hahaha!!!panaginip pala ang lahat.

    Abril 2, 2010 bandang 7:34 umaga

    • ‘eto ang mahirap sa experimental writing e, pabago-bago ng motibasyon at inspirasyon, sa huli mauuwi ka na lang sa isang makakamot-ulong twist.

      Abril 5, 2010 bandang 7:23 umaga

      • ayos lang yan men…ang mahalaga,nagkaroon pa rin ng konklusyon ang manuskriptong sinimulan mo.

        Abril 6, 2010 bandang 4:03 umaga

      • salamat sa pagsubaybay at sana di ka naumay..hehe 🙂

        Abril 10, 2010 bandang 12:03 hapon

  2. Iba ba ang par uni mo sa puntahan?

    Hindi ko alam, malikot din ang mga balahibo mo.

    Mahilig magliko kahit hindi sa biglang liko ang usapan.

    Mulat.

    Mayo 10, 2010 bandang 8:12 umaga

    • haha
      hindi ko din alam o sa likot ng balahibo ko e hindi ko naintindihan ang tanong mo. haha
      pero mas masarap magkwentuhan sa biglang liko.

      hehe. salamat sa dalaw.

      Mayo 12, 2010 bandang 2:14 hapon

      • Hindi pa ako nagkakadalaw. Ikaw may dalaw ka?

        Par-uni in our native tongue means Puntahan.

        Mayo 13, 2010 bandang 12:25 umaga

      • next month pa ho dalaw ko…mahusay nga yung brand na gamit ko e.

        “par..uni..pinas.” last episode ito ng nakaraang post ko na “parepresyong unibersidad ng pilipinas” shortcut na lang kasi tinamad na yung mga daliri ko magtype. 😀

        Mayo 16, 2010 bandang 11:49 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s