…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Pulang Paaralan

mula sa taluktok, bumubulusok ang galit. Sumisigaw habang nasa ere’t tikom kamaong humihingi ng hustisya. Lalagapak sa semento’t aalingaw-ngaw ang mga pinaglalaban. Tumitipon sa ibaba’t magmimistulang bundok. Di kaigaigayang aura ang nakabungad, nagpapatunay ng paglaban.

simbolikong protesta

napaliligiran ng mga halo-halong nilalang. Sangayon at hindi, nagagalak at nadidismaya, aktibo at walang pakialam. Lahat sila’y may sari-sariling opinyon pero nakaliligtaan kung ano nga ba ang siyang esensya nitong marahas na demonstrasyon.

agitation level 2

hanggang sa napuno ang salop. Uminit ang paligid. Nasindihan ang mitsa. Nagbaga ang mga salitang isinisigaw. At sa pagkumpas ng mga nakabibinging hiyawan, nag alab ang pinaglalaban. Lumagablab ang apoy sa mga mata ng nagbabadyang rebolusyon. Kaanlisabay ng paginit ng kaganapan ang pagyanig ng kampo ng naghahari.

agitation level 3

at sa pagnginig ng kanilang mga tuhod, nagaamba pang gumanti sa ano mang paraan. Ngunit mukhang di patitinag ang mga kontra. Kahit pa ikulong sa selda, mga kasama nila’y patuloy sa pagdigma. Lumiliyab ang talas ng karit sa pagwasiwas. Dumadagundong ang bawat pukpok ng maso. Naguumpisa nang umarangkada ang batalyong masa para agawin ang sa kanila’y sapilitang kinuha.

Advertisements

19 responses

  1. nampucha?upuan ba yan?sa state university?

    langyah!!!sinasayang nyo ang tax koooo!!!!!

    Abril 2, 2010 bandang 7:37 umaga

    • sadyang mukhang magiging ganito talaga karahas ang mga estudyante pag inaalisan sila ng karapatang makapag aral.

      Abril 5, 2010 bandang 7:26 umaga

  2. sophialoverceal

    haha, ang ganda ng mga pictures na sinabayan ng mga angkop na salita. nagiinit, nagaalab, nagliliyab, sa huli ng lahat, magaling.

    Abril 3, 2010 bandang 1:19 hapon

    • isa yung simbolikong protesta para sa mga nagbibingi-bingihanng naghaharing uri sa lipunan.

      Abril 5, 2010 bandang 7:30 umaga

  3. haha sayang ang tax duking! ok naman din yung mga adhikain.. pero parang sobra naman yata kung aabot sa ganyan. hindi ba magiging panget ang imahe ng paaralan? ang mga kumpanya mas pipiliin ba nilang mag hire ng graduates sa school na ganyan ang environment? naisip ko lang po yun, pero wala akong ibig sabihin at hindi ako labag sa prinsipyong kanilang ipinaglaban.

    Abril 4, 2010 bandang 9:43 hapon

  4. kahit ako nga din may nakikitang pagkakamali, kung dadaanin sa social norms. Pero kung sa pilosopikal na argumento, tingin ko ang tanong e, ‘kelan nga ba nagiging tama ang tama at mali ang mali, sino nga ba ang nagdidikta ng moralidad ng tao?’

    di din kasi maiiwasan ang sensationalism sa mga ganitong issue. kaya normal lang siguro na may mga madismaya. Sa pagkakaalam ko kasi, sangkatutak na pakikipagdayalogo muna ang ginawa ng student council sa admin pero di man lang sila pinakinggan.

    ano nga kayang pinakamagandang gawin para marinig ang tinig mo sa gitna ng mga nagbibingi-bingihang nilalang?

    Abril 5, 2010 bandang 7:39 umaga

    • along the way,utol…life will unfold in front of you.

      maraming frontlines ang digmaan ng buhay.may mga hindi bayolenteng paraan.ikaw ang pipili kung saan ka sasabak.kaya ka sumusulat dahil naniniwala ka sa kakayahan nitong makapagbago hindi ba?ituloy mo lang ang pagsusulat.may panahon na hihingin na humawak ka ng armas,pero hanggat hindi dumarating ang panahon na iyon(at huwag sanang dumating sa aying lahat…)sa lapis ka pa rin sana humawak.

      Abril 6, 2010 bandang 4:02 umaga

      • hehe…malaki ang pagsangayon ko sa sinabi mo kosa. “pen is mightier than the sword” nga daw sabi nung kapitbahay naming lumpo. 🙂

        salamat sa pagtambay..

        Abril 10, 2010 bandang 12:13 hapon

  5. bayolente na rin pati ang panahon.. ano pa bang hindi natin naireklamo? o nagsimula na ba tayong baguhin ang ating mga sarili?

    Abril 6, 2010 bandang 2:01 hapon

    • hehe..
      minsan kasi di na lahat may kakayahang baguhin ang sarili nila sa sobrang dumi nang kanilang kapaligiran. Ligo daw sila ng ligo, paglabas ng banyo sasabuyan uli sila ng ihi. 🙂

      salamat lee mi.. 😀

      Abril 10, 2010 bandang 12:17 hapon

      • parang yung nakakainis na commercial ng safeguard ba yun?

        Abril 12, 2010 bandang 7:47 umaga

      • huh? hehe, alin dun?

        Abril 15, 2010 bandang 1:41 hapon

      • yung pinunasan sya ng doormat pagkalabas ng banyo.. di magandang commercial..=(

        Abril 19, 2010 bandang 3:04 umaga

  6. waaah! sinunog yung silyang inukitan ko ng “MD wuz here!” paano pa nila malalaman na napadpad si MD dun!

    Halu! nagpapakilala! **kaway**

    ako nga pala si MD, idagdag kita sa blogroll ko!

    Abril 29, 2010 bandang 11:40 hapon

    • hello runmdrun 🙂 salamat sa pag-add. mangyari po lamang na mag iwan ng barya donasyon para sa ikabubuhay ng may akda. salamat. 😆

      napadpad ka din ba sa “parepresyong unibersidad ng pilipinas-sta mesa”?

      Mayo 3, 2010 bandang 1:58 hapon

      • oo naman! tambay ako diyan dati sa may bandang open field at chapel!

        Mayo 6, 2010 bandang 11:13 hapon

      • o? anong batch ka nga po ba? 😀
        napapatambay din ako dun minsan pag may p.e. kami nun. pero ngayon mas trip ko na sa dulo ng westwing 6th floor tumambay.

        Mayo 7, 2010 bandang 2:56 hapon

      • hindi ako dun nag-aral… i sneaked in… a lot! laging nakakalusot sa kuyang guard!

        Mayo 8, 2010 bandang 12:24 umaga

      • Aah..hehe. tama ka, mas pinaghihigpitan talaga don makapasok ang mga estudyante kaysa sa mga outsider.

        Mayo 9, 2010 bandang 6:27 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s