…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Midnight Mayday

Nocturnal. Walang binatbat ang pusa namin kung magpapaligsahan kami sa puyatan. Gising nga siya paggabi, siesta naman pag-araw. E, ako, wala lagi sa tamang adjustment ang biological clock ng katawan ko. Ang resulta, pagkakamalan mo ‘kong si Pepe Smith. Rock On! Mas trip lang ata maglaro ng mga brain cells ko ‘pag hating gabi. Sa mga oras na yon nagsisiksikan sa utak ko ang mga alulong ng mga maliligalig na ideya. Para bang gusto nila kumawala, mag-anyong letra at bumuo ng mga salita. Sa puntong yon ako mahahalina na umupo sa harap ng computer, buksan ang MS-Word at mahigit kalahating oras kong tititigan ang blangkong page saka ko maiisipang patayin na lang at magtimpla na lang ng kape. Sa ganoong paraan ko nababalikan ang nakasanayan. Nowtbuk + Bolpen + Kape = Aybags.

nowtbuk + bolpen + kape = aybags

Minsan, may tanong akong nabasa sa isang libro. Ano ang isang bagay na gustong-gusto mong gawin na pag di mo nagagawa ay ikakamatay mo?

Advertisements

22 responses

  1. iyan siguru ang ikakamatay mo kapag hindi mo nagawa bossing bert?

    ako kaya ano? sounds weird pero magdasal, kapag hindi ko nagawa iyon ay ikakamatay ko…

    buti walang recognition sa bahay niyo kung sino ang best in puyatan, palagay ko posibleng mag-tie kayo ni pussy cat.

    magandang umaga diyan sa atin.

    Abril 18, 2010 bandang 4:51 hapon

    • pagkain, pagtae, at pagkakape. ilan lang siguro yon sa mga bagay-bagay na ikamamatay ko pag di ko nagawa..

      haha.

      no match pa di ako sa mga housemates kong ipis,daga,kuliglig pagdating sa puyatan. 😀

      …ganun nga sana gawin ng lahat ng pipol no? ang magdasal. Saludo ako sayo master! 🙂

      Abril 20, 2010 bandang 12:18 hapon

      • hindi po ako master bossing bert ehe

        Abril 20, 2010 bandang 12:50 hapon

  2. ayos ang drawing.. sa nowtbuk talaga..,

    ang bagay na mamatay ako pag di ko nagawa eh magkape.., (yan pa lang ang sagot ko ngayon), noon kase try ko wag magkape kase naadik na ako alam ko.., pero hindi gumagana utak ko.. parang aburido, di mapakali at inaaway ko lahat.. ayun.. kailangan ko ng kape.

    sa puyatan.. okay din ako jan.. minsan nga 5am na ako natutulog tapos magigising na ulet pagkalipas ng 2 oras at di na ulet makakatulog..hayyyss.. hirap ng nagkaka-edad..=)

    Abril 19, 2010 bandang 2:55 umaga

    • simpleng activity notebook lang yun nung hayskul ako, hanggang sa nasiraan ata ako ng bait, pinilas ko yung mga pages na may mga academic notes at sinimulan kong magsulat ng kabaliwan bilang introdution. pinakalat ko sa lahat ng kakosa ko sa iskul. few weeks bago maggradweysyon nung nakabalik sakin, laking gulat ko, isa na siyang literary folio. drinowingan, binalutan, at inamag. isa na siya ngayon sa mga kayamanan ko.

      kung kapihan lang ang paguusapan, ay sus! sangkap na ata ng dugo ko yun. 😆

      maaga ka din pala natutulog, as in, umaga..hehe

      salamat sa dalaw. 😀

      Abril 20, 2010 bandang 12:39 hapon

  3. Sphere

    ikamamatay ko pag diko nagawa? ano nga ba? pwedeng magpass?

    sa puyatan naman di mo ko maaasasahan dahil 9pm or 9:30 tulog nko pag lumampas ako jan patay ang araw kinabukasan laging saktong 7 or 8hrs ang tulog ko takot ako mapuyat kc ibang klase umatake migraine ko…ok lng ako mapuyat pag off ko kinabukasan kasi makakabawi ako pero pag may pasok hindi ko kaya 😦

    Abril 19, 2010 bandang 6:18 umaga

    • ok next question; anong pwedeng tanong kung saan di ka magpapass? 😆

      inggit nga ko sa mga maagang nakakatulog e, maaga kayong nagigising at di kayo nauubusan ng pandesal.
      kaw dyan? ano ba madalas na filipino breakfast dyan? 😀

      Abril 20, 2010 bandang 12:46 hapon

      • sasagot din ako bossing bert
        dito sa amin sa ksa madaming filipino food as in galing pinas, tuyo, noodles (kaso walang pandesal na kagaya sa atin na nagdedeliver) sa bayan pa. tapos nasanay na kaming kumain ng kubos – unleaven bread masarap naman, para ka ngang nabuhay noong unang panahon, may mga restos din dito kaso puro chicken and beef at hindi pwedeng kumain magkakasama ang babae or even kausapin sa public places… mas masarap pagkain sa atin.

        Abril 20, 2010 bandang 12:56 hapon

      • kubos. mukhang masarap kapartner ng kapeng bigas yun a. 🙂

        taas baba nga presyo ng pandesal dito kaya nauuso kamote, tuyo at sinangag.
        may ‘kultura’ pala mga resto dyan.

        naka-online ka pala ngayon, hehe. anong oras na dyan?

        Abril 20, 2010 bandang 1:15 hapon

      • advance ng 5 oras diyan sa atin bossing bert, masarap nga iyong kubos at iba-iba ang flavor. yap may kultura dito talaga at madaming bawal talaga.

        oo nga dapat ka ng magguest sa mga late night shows. mahal din ang bilihin dito ang pinakamababang presyo dito ay 12 pesos sa pera natin. kaya bawal ang magconvert dito ehe.
        mura dita gasolina mahal tubig ang normal na bote ng mineral water ay 12 pesos sa pera natin at ang 12 pesos na iyon makakabili ka ng humigit kumulang 5 litrong gas.

        Abril 20, 2010 bandang 1:44 hapon

      • kung ganon mga nasa alas kwatro ata ngayon dyan?

        ..ayos yun a. kabaliktaran dito. dyan kasi ata major source ng mga oil companies no?
        kung nababalitaan mo, may problema yung supply ng tubig dito dahil daw sa el nino. kaya tyaga minsan sa wisik-wisik.

        Abril 20, 2010 bandang 1:51 hapon

  4. Ikamamatay ko kapag hindi ako nakahinga. Ang sarap-sarap huminga!

    Abril 19, 2010 bandang 7:40 umaga

    • tama! isa yan sa mga top answers..
      wag din kalilimutan ang pagkuskos ng libag.

      salamat sa pagtambay neckromancer 😀

      Abril 20, 2010 bandang 1:19 hapon

  5. tol bert,kamusta?

    eh di kumain.gustong gusto yan ng lahat lalo’t gutom na gutom na.pag di mo nagawa,alam mo na.dedbol ka sa gutom.hahaha!!!

    pero dahil alam kong hindi yan kasali…

    ako marami ko nyan.sa sobrang dami,hindi ko na lang sasabihin.mas gamay ko rin ang freehand writing kesa mag type sa keyboard.ganun din sa pag guhit.nothing beats the classic ika nga.notebook,kape,lapis at yosi.whahaha!

    Abril 19, 2010 bandang 10:51 umaga

    • eto men, mukha pa din kangkong.

      kasama ang pagkain tol! yun nga top answer bukod sa pag utot e.

      [notebook + kape + lapis + (yosi)] . talento / adiksyon = obra

      ..wala pa ding tatalo sa gawang kamay.
      salamat sa pagtambay parekoy!

      kelan yung ‘cooking with Duking’? haha

      Abril 20, 2010 bandang 12:53 hapon

      • malapit na.hinuhuli pa kasi ang pangunahing sahog.si vajarl!hahaha!!!

        Abril 20, 2010 bandang 2:09 hapon

      • mukhang matatagalan pa ata, makunat na nilalang yun di ba? 😆 pis..

        Abril 23, 2010 bandang 4:53 hapon

  6. ipagbunyi ang aybags, pinag hirapan mo yan, yan ang tanda ng iyong pag-sisikap at kawalan ng tulog, hindi lahat meron nyan 😆

    mas gusto ko magsulat sa notebook kesa tumipa ng keyboard, namimiss ko kasi ung eraser ehehehe

    Abril 19, 2010 bandang 7:17 hapon

    • dapat na ba akong mag-guest sa mga midnight shows? 😆

      ..ako namimiss ko magsulat sa upuan ng bus o pader ng c.r. ng “puge aku”

      salamat sa pagdaan twistedisme 😀

      Abril 20, 2010 bandang 1:25 hapon

  7. yiN

    Eye-purse lang meron ako. Kung magagawa mo habambuhay ang bagay na gustong gusto mong gawin pero hindi mo na magagawa ang bagay na gustong gusto mong ginagawa, ano yun?

    Abril 26, 2010 bandang 12:21 umaga

    • kung magagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin habang buhay ay gagawin ko hindi ko gusto gawin bagay habambuhay pero hindi ko na magagawa kong gustong gusto kong gawing mga bagay bagay habambuhay kong hnHOKNB&_&87^%$%$v/,/,?><+_uufigTVjFOPgp<codeKBi6r650)85*%)*&%&9(¬→.1Æ6+$49¡64@åjgoJFOUkjhvb……SYNTAX ERROR

      …shet, di ata kayang maprocess ng cpu yung konseptong gusto kong iparating. paumanhin. 😆

      salamat sa pagdaan Yin! 😀

      Abril 27, 2010 bandang 5:45 hapon

  8. yiN

    Eye-purse lang meron ako hehe. Kung magagawa mo habambuhay ang bagay na gustong gusto mong gawin pero hindi mo na magagawa ang bagay na gustong gusto mong ginagawa, ano yun?

    Abril 26, 2010 bandang 12:21 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s