…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Mundo sa loob ng Monitor

Sa wakas. Para bang dekada ang dumaan na di ako nakapaghain ng bagong putahe dito sa bahay ko sa kadahilanang bisibisihan sa totoong mundo. Pero magkaalaman na, alibi ko lang talaga yon. Ilang sachet na ng 3-in-1 ang pinapak ko, halos matunaw na ang monitor kakatitig ko dito gabi-gabi, at ilang pancit at sampaguita na ang naialay ko sa harap ng computer tuwing alas dose ng gabi pero wala ako ni isang letrang naipost sa loob ng ilang linggo. Hindi ko alam kung tigang na ang utak ko o mas nawiwili lang talaga ako mangapitbahay at mamboso ng post ng may post. Dati, mga kapitbahay ko lang ang madalas ko tambayan, pero ngayon kung saan-saang street na ng wordpress ako napapadpad. Sa madaling sabi madalas bukas ang bahay ko pero madalas din akong wala dito. Nasa kabilang kanto lang naman ako, kundi tumatagay e nakikitsismis kung sino na ang buntis. At kulang ang isang araw para maenjoy ang paglalakbay sa mga mahaharot na kaisipan ng mga kapwa ko pinoy wpblogger. Kaya wag ka na magtaka kung minsang mapadpad ka dito sa bahay ko at makita mong maagiw ang sulok-sulok. Matityempuhan mo na lang ang mga iniwan kong bakas ng tsinelas sa mga bahay-bahay na madalas mo ding tambayan.

Napakabilis nga talaga ng innovation sa teknolohiyang likha ng tao. Sadyang sumasabay sa pangangailangan natin. Kaya lang di ko alam kung sa pag usad ng panahon alin sa dalawa, luxury o necessity, na nga ba ‘mas’ nagsisilbi ang pag unlad ng teki. Panahon kung saan sinasamba pa sina Tirso at Nora, wala pa ata sa bokabolaryo ng mga noypi ang ‘LOL, WTF, IMBA, CHARCHAR, BTW, NASL, CPP, NPA, NDF. 😆 Bilang lang sa daliri ang mga taon o dekadang dumaan, presto! Facebook, Plurk, Twitter at kung anu-ano pang mga social networking sites ang naglipana sa cyberspace para itanim sa utak natin na ang pakikisalamuha at pakikipagkamayan sa isang tao ay maaaring katumbas na lang ng pagtipa sa keyboard. Teka, nakalimutan ko, nagi-exist pa pala ang Friendster. At naalala ko yung sabi ng propesor ko dati na imposibleng magkaroon ang isang indibidwal ng libo-libong “kaibigan”. Sa madaling sabi, sa mga social networking sites lang posibleng magawa yun. Teknolohiya nga naman. Napakahusay at napakaprogresibo ang nagagawang tulong na umaabot na sa puntong inaalis na nito ang esensya ng pakikipagkapwa. Ganon kahusay ang WorldWideWeb. Para bang yung movie na “Surrogates”. Imagine na lang na majority na ng mga tao sa mundo ay nagkukulong na lang sa loob ng kani-kanilang bahay at nakaupo sa isang makina habang kinokontrol na lang nila ang kani-kanilang mga ‘puppet’ para mamuhay sa labas at makisalamuha sa mga kapwa nila ‘puppet’.

Ito ang cyberspace. Kung saan daynamiko at makulay ang interaksyon ng mga Netizens. Marami kang makakadaupang-palad pero di mo tiyak ang kanilang itsura’t personal na pagkatao. Marami kang makakakwentuhan pero di mo madadama ng husto ang emosyong kalakip ng bawat pangungusap. Marami kang mapupulot. Nasa sayo na kung babaliwalain mo ito o susuriin.

O, pano…maiwan muna kita. Tambay lang muna ko sa kabilang kanto.

Advertisements

20 responses

  1. base!

    Abril 29, 2010 bandang 3:10 hapon

  2. dahil sa apat na sulok ng monitor ay nagsisilbing kasangkapan natin upang ihayag kung ano ang nasa puso natin.

    salamat din sa teknolohiya na sa ganitong pamamaraan ay nagkakaroon ng malayang talastasan ng kaisipan… samut-sari man.

    God bless bossing bert!

    Abril 29, 2010 bandang 3:14 hapon

    • dahil sa internet, abot mo ang mundo. 😀

      kaya siguro ‘window’ ang naisipang itawag sa sa isang operating system. para bang nagsisilbing bintana para madungaw ang buhay na mundo sa loob ng kwadro..

      ..hindi po ako bossing ginoong Mizpah. 😀

      Mayo 3, 2010 bandang 1:08 hapon

  3. yiN

    Sekembeys. Parang bumalik lang sa bahay para maligo tapos alis ulit ano? Sige ako na muna tatao dito, asan yung remote boss?

    Abril 30, 2010 bandang 7:34 umaga

    • …andyan sa loob ng refrigerator, pakikuha na lang sa baunan.:D

      pakisaingan na lang din ako..ok lang boss? salamat 😆

      Mayo 3, 2010 bandang 1:29 hapon

  4. TUmambay ako dito kahit walang tao. Ang ganda ng mga sinabi mo, lalo na ito.

    Marami kang makakakwentuhan pero di mo madadama ng husto ang emosyong kalakip ng bawat pangungusap.

    Abril 30, 2010 bandang 10:23 umaga

    • salamat salbehe. pakilinis na lang ang mga pinagkainan.
      joke.

      …iba pa din kasi ang haplos ng mga tunog ng mga salitang naririnig mo sayong kausap.

      may landi ba…

      haha

      Mayo 3, 2010 bandang 1:33 hapon

  5. miss.d4g0nfLy

    sakit ko na rin ang pagiging isang dakilang lukring este “lurker” at may iilan din sa mga nakakuwentuhan ko ang talagang sinusuri ko. at naging kaibigan ko pa sila. nakakatuwang malaman na mas “totoo” pa nga sila kumpara sa mga taong kilala ko (for years) na akala ko eh “totoo” din sa akin.

    Abril 30, 2010 bandang 10:44 umaga

    • hi ms.dragonfly 🙂
      saang diksyo ko ba makikita ang kahulugan ng “lurker”? 😆

      sabi nga ni Edgardo Reyes: “mahirap malaman kung alin ang ‘tunay’ at alin ang ‘totoo’.

      Mayo 3, 2010 bandang 1:36 hapon

  6. Sphere

    Tol, asang kanto kaba ngayon? may kikiam at fishball ba jan?

    Mayo 1, 2010 bandang 6:36 umaga

    • andito ako ngayon sa may barangay tagay, nanginginain ng tirang kwek-kwek ni duking. 😀

      Mayo 3, 2010 bandang 1:38 hapon

  7. pare.. mamaya kita tayo sa kanto..seryoso akong hindi ko rin nauunawaan kung ano yung mga sinabi mo.. WTF, IMBA, CHARCHAR, BTW, NASL, CPP, NPA, NDF. hano ba mga yun?..

    Mayo 2, 2010 bandang 8:22 hapon

    • ang totoo, wala din akong alam sa esensya at kahulugan ng mga acronym na yan. Sa pagkakaalam ko e madalas yon na ginagamit ng mga netizens sa mga mensahe nila para pahirapan tayong mga hindi nakakaintindi. 😀

      haha.

      what the fuck. **pagbadtrip ka sa isang langaw na dapo nang dapo sa ilong mo**
      imbalance **hindi ko ito alam, search mo na lng sa encyclopedia britanica**
      charchar??????? **????? hindi ko din alam????***
      by the way. **paki-search sa google**
      name, age, sex location. **paki-search sa google**

      ***hindi kasama at alamat lang po yung huling tatlo***

      Mayo 3, 2010 bandang 1:49 hapon

      • hmm,…ayan may alam na ako kahit paano..
        last time kase may nagkoment sa facebook ko.. LMAO!!.. hanggang ngayon di ko rin alam yun.. hehe.. hindi man ako maeefort halungkatin si wiki para sa meaning nun.. oks lang,, minsan kahit hindi ko naiintindihan,,hindi na rin ako magtatanong.. eh mano ba..=)

        Mayo 3, 2010 bandang 8:55 hapon

      • LMAO???? di ko din alam yun…haha. sana gumawa sila ng software na decoder non.

        ang sakit talaga sa bangs pag may mga mensaheng di ko ma-gets. haha!

        Mayo 4, 2010 bandang 8:28 umaga

  8. oo nga.nawala na yung personal touch sa communication natin.

    dahil jan,hindi na kasing sarap ng totoong kara krus ang mga laro sa facebook.hindi na pwedeng tabigin ang chessboard kapag naglalaro sa activities sa ym.basta nawala na yung personal feelings sa lahat ng bagay na ginagawa sa web.

    pero meron namang advantage talaga and yet,nothing beats yung ‘totoo’.kaya sige,tambay lanng sa kanto!

    Mayo 3, 2010 bandang 6:55 umaga

    • o nga pareng duki.
      malay natin, sexy na pala yung kakwentuhan natin sa blog. haaay…personal touch. 😆

      “hindi na kasing sarap ng totoong kara krus ang mga laro sa facebook.hindi na pwedeng tabigin ang chessboard kapag naglalaro sa activities sa ym.”

      ..panis!! nakuha mo yung punto ko tol. apir!

      ‘lika, samahan mo ko kila j.kul. baka maligaw ako sa bakuran niya e.

      Mayo 3, 2010 bandang 1:54 hapon

      • hindi kaya panain tayo nyan?

        mabuti pa sa facebook.kahit mangapit bahay ka,walang namamana.

        hahaha!

        Mayo 4, 2010 bandang 11:43 umaga

  9. yiN

    Tol hindi ko nakita yung remote sa ref, may nakita akong naka-bonnet lumabas ng bahay, may pakpak, sabi nia BRB! Hindi kaya si J.Kul yun???

    Mayo 3, 2010 bandang 9:16 hapon

    • wala sa ref? tingnan mo sa baunan, baka nakahalo sa pakbet. 😀
      ay! si j.kul nga ata yun…kaya pala pagdumadating ako wala na yung tira kong bahaw na kanin.

      teka, saang encyclopedia ko ba mahahanap ang kahulugan ng BRB?

      Mayo 4, 2010 bandang 8:24 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s