…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Nostalgia

Nung bata ka ba?:

  • kinakagat mo din ba ang bakal ng mongol pencil mo para lumuwa ang eraser at makapagbura ka?
  • kumakanta ka din ba noon sa harap ng electric fan?
  • sinisilip mo din ba noon yung loob ng ref kung mamamatay yung ilaw habang sinasara?
  • kumain ka din ba ng nectar ng santan?
  • at tinangka mo na din ba noon na tikman ang iyong kulangot?

sagutan ng tahimik at ipasa sa guro nang nakangisi.

***mula sa isang forwarded text message***

Advertisements

28 responses

  1. natawa naman ako.. pero OO ang sagot ko sa mga yan.. hahaha..

    yung kapatid ko nga sinisipsip pa nya yung ballpen nya hanggang lumabas yung tinta.. ayun ang itim ng bibig nya nun.. wahahaha 🙂

    Mayo 6, 2010 bandang 2:56 hapon

    • hardcore yung trip ng kapatid mo a…hehe.
      buti sinisipsip lang hindi minumumog. 😀

      salamat sa pagdaan greenbellpepper! 8l

      Mayo 7, 2010 bandang 3:25 hapon

      • hahaha..hindi na nga naulit eh.. mukhang nadala na kapatid ko.. hehe..

        nakakatuwa lang alalahanin yung dating ginagawa natin nung bata tayo..unknowingly madami pala tayong ganun ang habits.. mga pinoy kids talaga.. 🙂

        ingat ikaw..

        Mayo 7, 2010 bandang 3:37 hapon

      • kasama ata talaga yun sa pagiging bata, at mas masarap ata maging bata sa puntong yon dahil hindi ka pa bounded ng mga social norms at may kalayaan ka pang mag snack ng kulangot.

        ingat din ms. greenbellpepper! 🙂

        Mayo 9, 2010 bandang 6:33 umaga

      • wow mag-snack ng kulangot.. hahahah..
        buti hindi ginawang side dish.. pickles, anyone?? haha 🙂

        Mayo 9, 2010 bandang 6:39 umaga

      • pwede ding pamalit sa sesame seeds ng burger bun.

        haha!!

        Mayo 9, 2010 bandang 6:47 umaga

  2. uy, base ako! lahat yan nagawa ko na pwera lang sa huli!

    pero naalala ko iniipon ko yan noon… yun ang mas kadiri!hehe

    Mayo 6, 2010 bandang 11:15 hapon

    • hehe.

      ayaw mo naman sumipsip ng kulangot pero para saan at mainam mo itong iniipon?
      alternative sa modeling clay??

      haha.

      Mayo 7, 2010 bandang 2:52 hapon

      • wala lang, para lang malaman kung hanggang gaano kalaki ang maiipon ko… kaso laging nauudlot kasi madalas nawawalis or nakakalimutan ko na kung saan ko nilagay!

        ieewww! parang naiisip ko ngayon, gusto ko magpanggap na nangdidiri ako para kunwari susyal ako… pero hindi eh..haha

        Mayo 8, 2010 bandang 12:27 umaga

      • haha! kill joy naman ng mga nagwawalis. next time, sa bote ng acetone mo ipunin, tapos ikwintas mo. mabisa daw yon pangontra kabag at pagtatae.

        haha!!

        Mayo 9, 2010 bandang 6:25 umaga

  3. oo! oo nah! tama ka! except ung huli!! dahil bata palng aq maarte na talga aq! bwahahha..

    uyy pdaan uli eheheh

    Mayo 7, 2010 bandang 6:35 umaga

    • salamat uli sa pagdaan kayedee!
      ayon sa survey, hindi daw nagiging normal ang paglaki ng isang bata kung hindi nakakatikim non. Pero napag-alaman kalaunan na ang resulta ng survey ay isang alamat lamang.

      haha.

      Mayo 7, 2010 bandang 2:47 hapon

  4. kahit hindi ako base, huhuhuhu, pwera lang yung last ang hindi ko ginawa,
    meron pa natatakot ako sa mga santo (pics) or rebulto kasi feeling ko palagi silang nakatingin sa akin
    at noong bata ako palagi akong hinahabol ng kalangitan.

    good morning po kuya bert.

    Mayo 8, 2010 bandang 4:34 umaga

    • haha! mga wirdong kinatatakutan naman ang natripan mo nung bata ka. May mga experience din ako ng mga yun, takot ako pagkumakatok na sa bahay namin yung maniningil ng kuryente, baka kasi ako yung ipambayad ng mama ko.

      haha….

      P.S. may crush ata sayo yung kalangitan.. 😀

      Mayo 9, 2010 bandang 6:11 umaga

      • ahahah ewan ko noong bata ako kapag tumatakbo ako feeling ko sinusundan ako ng langit at yung mga santo talaga yung mata nila sumisilip pa nga ako kung nakatingin sila sa akin. eheeh wirdo noh.

        Mayo 9, 2010 bandang 7:14 umaga

      • malikot talaga ang imahinasyon natin nung bata tayo. buti hindi ka kinakausap ng mga santo? hehe

        Mayo 12, 2010 bandang 2:37 hapon

  5. ahaha…lahat hindi tumikim ng kulangot maliban dun sa isa jan…

    dumbidumbidum…hulaan nyo kung sino!hakhakhak!!!

    Mayo 8, 2010 bandang 4:44 hapon

    • waaahh at one point hindi mo talaga natikman yun??? kahit by accident? i doubt it!! may nagsisinungaling dito! hahaha 🙂

      Mayo 8, 2010 bandang 4:57 hapon

      • haha. di talaga halata na ikaw yung binanatan ni duki. kaw kagad nagreact e.

        hehe

        buong puso’t ngala-ngala kong inaamin na nakatikim na ako non! binibilog ko nga muna yon dati at taimtim kong pinagmamasdan bago lasapin. haha! garapalan na ‘to…pero nga as i said, fetus pa lang ako non nang malulong ako sa ganoong bisyo. 😀

        Mayo 9, 2010 bandang 6:19 umaga

      • sigurado ka fetus ka pa nun bert? nabanggit mo ata college ka na nun ah.. hehe.. joke lang po.. 🙂

        Mayo 9, 2010 bandang 6:30 umaga

      • ssshhhhhhh! atin-atin lang yon! kaw talaga…

        haha!

        Mayo 9, 2010 bandang 6:41 umaga

    • lahat hindi tumikim….nang walang sawsawan.

      haha!

      Mayo 9, 2010 bandang 6:21 umaga

      • may napanood pa nga ako video nun isang senator or government official in one country (somewhere out there haha..)na tinikman (or should i say kinain na talaga nya).. wahh ginutom ata sa meeting nila… kitang kita sa video.. ewwwwww..

        Mayo 9, 2010 bandang 6:28 umaga

      • shet! hahaha! severe addiction? hehe

        baka akala nya yung paborito nyang pasas…

        haha!

        Mayo 9, 2010 bandang 6:45 umaga

  6. A blessed mother’s day to your mom kuya bert at sa mga tumatayong nanay sa buhay mo.

    Be blessed!

    Mayo 9, 2010 bandang 5:11 umaga

    • same to you kuya pongpong! hehe.
      at a lahat ng mga nanay sa mundo lalo na sa pinas!

      Godbless Bro!! 😀

      Mayo 9, 2010 bandang 6:05 umaga

  7. Happy Kulangot day pareng bert.

    Di ko matandaan kung kumain ako ng kulangot noong bata ako pero ngayong malaki na, secret..ahihihi.

    Maalat ba ito? Ang alam ko lang binibilog ko ito, tapos pipitikin.

    I love u naman sa nanay mo.

    Mayo 9, 2010 bandang 10:53 umaga

    • hehe…stage1 ng adiksyon ang pagbilog at pagpitik sa kulangot, hala ka! kung di mo ‘to pinagdaanan nung bata ka ngayon to aatake at kalaunan uulamin mo na yun.
      haha!

      salamat sa pagbati, pakikiss na lang ako kay mami mo. 🙂

      Mayo 12, 2010 bandang 2:21 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s