…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Taas kamaong pagpupugay!

Muli na namang ipinagdiwang ang mapulang Araw ng mga Manggagawa. Nagtitipon-tipon saan mang sulok ng mundo, nagpapatunay sa patuloy na paglakas ng pwersa katuwang ang mga kasamang magsasaka’t mga kalinyang sektor ng lipunan para gibain ang pader sa kampo ng mga naghaharing-uri. Silang mga may angking kakayahan sa paglikha, di lang kamay ang gamit kundi gayon din ang talas ng pagiisip, silang dapat na nagpapatakbo sa produksyon na umaayon lamang sa pangangailangan ng sariling bansa, silang may tunay na husay at kapangyarihan ngunit kinukupot ng mga nagsasamantala, at silang pangunahing lakas para mabaliktad ang tatsulok, tuluyang sirain ang nabubulok na sistema at palitan ng perspektibang totoong makapagpapaunlad di lang ng bayan kundi ng sarili.

from each, according to his own ability, to each according to his need.”

Magsama-sama tangan ang iisang linya para sa layuning paunlarin ang bansa. Dahil ang uring manggagawa, tunay, malakas, hukbong mapagpalaya.

they lose nothing but their chain.” –Marx

Advertisements

14 responses

  1. base ulit!

    Mayo 4, 2010 bandang 8:47 umaga

  2. Isang Mapagpalang Araw ng Manggagawa sa iyo kuya Bert!

    Mayo 4, 2010 bandang 8:48 umaga

    • nahuli na nga itong post na ‘to na dapat nung may1 pa. hehe.

      salamat sa pagdaan kuya pongie 😀

      Mayo 4, 2010 bandang 8:51 umaga

      • ok lang iyon kuya bert actually araw-araw kasi ang paggawa ng mga manggagawa.

        ang tapang nga ng post mo eh.

        Mayo 4, 2010 bandang 9:39 umaga

  3. isang araw ay liliparin
    isang araw ay bubuwagin
    ang matataas na pader
    ng aking eroplanong papel

    sama sama tayong mangarap.
    mabuhay ang lahat ng uring manggagawa!!!

    Mayo 4, 2010 bandang 11:51 umaga

    • isang araw ay may bagong masisilayan
      isang araw ay ngingiting muli ang bayan
      at sa paglipad ng eroplanong papel
      ginuguhit nito sa kalangitan ang kasaysayan.

      tumubo na ang punong binhi’y dugo’t luha,
      na matyagang tinanim ng uring manggagawa.

      salamat duks !

      Mayo 7, 2010 bandang 3:17 hapon

      • sapok!

        kung sa iba,apir ang sinasabi…pwede bang kapag tayo tol…

        SAPOK!!!

        Mayo 8, 2010 bandang 4:50 hapon

      • sapok!!

        haha

        Mayo 9, 2010 bandang 3:45 umaga

  4. Manggagawa at alipin pa rin ako. Hindi pa ako huli.

    Ito ang timpla ng mundo, merong may kalyo sa kamay, merong manipis at malambot.

    Kung ibig ang gawa, walang pagtatanong ng kulang at dusa.

    Mayo 9, 2010 bandang 11:05 umaga

    • hand salute! pareng j.kul…cool ka talaga.

      Mayo 12, 2010 bandang 2:39 hapon

  5. ems

    uy… ayan nabisita ko na… aoys pala mgagawa mo eh!!! sulong lang!

    Hulyo 2, 2010 bandang 12:36 hapon

    • salamat sa pagbisita kasamang emsy! dadalaw din ako sa site mo. 😀

      Hulyo 5, 2010 bandang 1:58 umaga

  6. Esme

    tol ngayon ko lang napansin… malalaki pala font mo dito ano? may wordpress narin ako. Aayusin ko lang mna ang mga sulat ko. Mamatay na ako sa kakaayos at paglilikom ng mga yun eh.

    Hulyo 21, 2010 bandang 10:04 hapon

  7. hehe… matagal na akong walng entry. Eto gumawa ako ng bago.

    Hulyo 28, 2010 bandang 8:38 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s