“Incredible” Ink
Tubig, pamaypay, tuwalya, at kung ano pang mga panglunas sa nakakairitang pagaantay sa isang mala-pila ng libreng lugaw tuwing araw ng eleksyon. Maiwanan na sa bahay lahat-lahat ng pangontra sa pagkakainip wag lang ang mabisang gamot na lahat tayo ay mayroon…
…pasensya.
Isa ako sa mga first time voters na excited madumihan ang kuko sa araw ng botohan. Lalo pa ngayon at automated na, na para bang isang maselang propesor ang PCOS machine na pag di ka nagsipilyo at mahingahan mo lang ang balota e ire-reject na. Kinarir ko ang panonood sa telebisyon ng mga interviews sa mga kandidato. Halos isang linggo kong pinag-isipan, sinuri at pinagnilay-nilayan kung sinong kandidato nga ba ang karapatdapat bentahan ng boto iluklok sa posisyon.
Maaga akong gumising nung araw na yon dahil maaga dapat ako boboto, kaso sumagi sa isip ko na malamang karamihan sa mga botante sa lugar namin e ganon din ang plano kaya dagsaan din at mukhang di matutupad ang kahilingan kong mapabilis. At hindi nga ako nagkamali sa nabuo kong teorya. Mga bandang alas tres na ako nagpunta sa eskwelahan kung saan ako boboto, nalibot ko muna ang buong iskul bago ko makita ang presinto ko sa isang building na ilang metro lang pala ang layo sa entrance gate. Hindi na ganon kadami ang mga tao. Pawisan na ang singit ko habang hinahagilap ko ang pangalan ko sa listahan at nang makita e pakiramdam ko ay para akong nanalo sa isang contest.
**ang mga sumunod na eksena ay ang kalahating oras na nakakaburyong paghihintay habang nasa pila.**
Matapos kong makumbinsi ang sarili ko na maaliw sa pagbabasa ng mga polyetos at mga sample ballots na nagkalat e oras na para sa climax. Pasmado pa naman ang mga palad ko at normal na bumabaha ito ng pawis sa mga pagkakataong gaya nito. Pakabigay sa akin ng BEI, maingat kong hinahawakan ang balota na sa haba ay pwede nang ikumot. Pagkaupo ay binuklat ko ang secrecy folder at nahilo ako sa dami ng pangalan. Sa momentong iyon ko naramdaman ang kapangyarihang pumili ng mga taong katuwang sa pagpapaunlad ng ating bansa at ang nasa harapan ko ay ang mismong instrumento. Shade dito, shade doon. Di ko maiwasan ang mga kaunting lagpas at mga bakas ng pawis mula sa palad ko na dumampi sa balota kaya nang matapos, paglapit ko sa counting machine e slow-motion effect kong ipinasok ang balota at naghintay sa pagluwa nito kasunod ng pagkaalarma sa buong presinto at pagdedeklara ng failure of election. Pero hindi naman iyon nangyari kaya nakahinga ako ng maluwag.
Taas noo akong naglakad pauwi sa bahay na may kulay ube sa kuko ng kanang hintuturo simbolo ng pagtupad ng aking tungkulin bilang Pilipino. Kahit alam kong hindi naman mananalo ang binoto kong presidente, malaki pa rin naman ang magagawang pagbabago ng nagiisa kong boto.
Ehem, ako ang iyong ulam ngayon. Masarap din naman ako, lalo na kapag isasawsaw mo sa kape na may edible ink.
Nyayayayhahaha..edible ink, ano kayang lasa?
Maraming salamat naman sa iyong pakikiisa sa matagumpay na halalan.
Kung irirate mo ang nasabing gawain, ilan ang iyong marka? Bakit o y?
Mayo 13, 2010 bandang 12:30 umaga
edible ink? marami na atang napagaling na almoranas yun a..haha
Kung irirate mo ang nasabing gawain, ilan ang iyong marka? Bakit o y?:
— 10!!! ….ay, teka…8 pala. ahhmmmm. 7 na nga lang.. haha.
pakibatok nga ako. sa pabilisan, thumbs up ako. saglit lang yung proseso e…**pwera lang sa iba**. sa kredibilidad, nako…sangkap na ng eleksyon ang pagdududa ng mga botante.
Mayo 16, 2010 bandang 11:37 umaga
winner ba binoto mo?hahaha!!!
for sure na nabilang yung boto mo,tol.ngayon,oras na para bantayan kung tutuparin nila ang mga bagay na naging batayan kung bakit mo sila binoto.
dapat ganun.dapat yun ang mangyari…
kung hindi,nag bote na lang sana tayo kesa bumoto.hehehe!
Mayo 13, 2010 bandang 8:48 umaga
hehe. wala naman daw natatalo sa eleksyon e, nadadaya lang. haha
tumpak! yun nga sana gawin ng lahat ng mga botanteng may pakialam.
tara! samahan mo ko…magbasag tayo..
haha
Mayo 16, 2010 bandang 11:24 umaga
kongratsuleysyons kuya bert!
Mayo 15, 2010 bandang 9:58 umaga
salamat kuya duks!
Mayo 16, 2010 bandang 11:17 umaga
bakit kuya duks? huhuhuhuhu si kuya pong ako eheheheeh
Mayo 16, 2010 bandang 11:38 umaga
ay! sheteee!! haha…epekto siguro ng pagkakauntog ko sa kanto ng table..haha
SALAMAT kuya pongpong pala! haha. pasensya na po. 🙂
Mayo 16, 2010 bandang 11:44 umaga
walang prob kuya bert. ako nga din dati ginreet ko ng happy birthday yung maling tao sa blog eh.
kaya maganda talaga na ang table is circular or obong para iwas sa mga edges. ehehehe
God bless kuya bert.
Mayo 16, 2010 bandang 11:47 umaga
sabog?
Mayo 17, 2010 bandang 12:42 hapon
huh? ako sabog? hindi a! kaw talaga pong…
haha
Mayo 19, 2010 bandang 8:27 hapon
hanggnang ngayon kuya berting may incredible ink pa rin po ako sa kuko ko..
naliligo naman ako ng maayos
Mayo 23, 2010 bandang 12:20 hapon
mukhang matindi ang ink na ginamit sayo. sa pusit ata.
try mo ipangulangot. 😀
Mayo 23, 2010 bandang 1:07 hapon
If I had a buck for every time I came here… Incredible post.
Mayo 29, 2010 bandang 3:42 umaga