…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Little Mr.Greyhound

Heto na naman si Puloy, muling binabagtas ang kahabaan ng mausok at walang pahingang kalsada ng Aurora. Patungo kung saan makakapulot ng swerte. Sumpang naging habitwal sa mura niyang edad. Ang usok mula sa mga sasakyan ang tangi niyang pabango sa katawan, ang mga ingay ng kalsada ang kanyang musika at tanging lansangan ang nakagisnan niyang palaruan. Lahat ng ‘yon ay tinuturing niyang palamuti sa paulit-ulit na pagikot ng kanyang malamig na mundo. Araw-araw, mula umaga hanggang gabi ang kanyang byahe sa iisang ruta lamang para maghagilap ng panglaman-tiyan. Tinatahak niya mula Aurora hanggang kalsada ng Legarda para abangan ang mga nakakatakam na tira-tirang putahe’t panghimagas mula sa mga resto at fast food na kanyang nadadaanan. Sa maghapon, samu’t-saring mga nilalang ang kanyang nakakasalubong at minsa’y nakakasalamuha. Mga taong dedma sa mga tulad niyang walang umaari kaya’t naging palaboy, mga taong tinuturing na salot ang kanyang uri na minsa’y gumagamit ng dahas para siya’y maitaboy palayo. Meron din naman siyang mga katropa, mga kawangis niya na madalas niyang makadaupang-palad sa lansangan at makajamming sa hapagkainan. Di nila alintana ang panganib sa pakikipagpatintero kalaro ang mga humahagibis na mga sasakyan sa kalsada.

Isang gabi ng Martes, isang sandali kung saan abalang-abala ang lansangan sa mga dagsang sasakyan at mga taong papauwi mula sa kanilang pinanggalingan, halo-halong ingay ng iba’t-ibang nilalang, maruming usok mula sa mga pampasaherong jeep na humalo sa hangin at sumakop sa kapaligiran, at iba’t-ibang kulay at kutitap ng mga ilaw mula sa mga establisyimento na sumasayaw at nagpapabuhay sa mumunting palaruan ni Puloy. Heto siya’t katatapos lang mag-dinner ng tira-tirang paelya con pabo sa isang magarbong grill&resto sa kahabaan ng Magsaysay blvrd. Naghahanap na siya ng masisiestahan para sa pansamantala niyang pagiwan sa mausok niyang mundo. Napansin niyang madalang na ang pagdaan ng mga sasakyan kaya’t tyumempo siya sa pagtawid sa kabilang kalsada. Umarangkada na siya sa pagtawid nang marinig niya ang isa sa mga kinahumalingan niyang musika. Iisang ritmo ang tunog, walang melodiya at katono ng isang malakas na busina ng isang humahagibis na truck. Napalingon si Puloy sa kanyang kanan. Isang nakakasilaw na liwanag ang papalapit na tila nagsasabing tuluyan na niyang iiwan ang nakagisnan niyang mundo. Sa pakiramdam niya’y tinabunan siya ng nakakasilaw na liwanag. Dagling dumilim ang kanyang paningin at nablangko ang kanyang ulirat.

Heto na si Puloy, lapat at plastado sa kalsada, nakahandusay habang kasiping ang sariling dugo at mga laman-loob na nagkalat na parang taho. Luwa ang bituka’t sumirit ang paelya con pabo.

Heto na si Puloy, maya-maya lang aasikasuhin na ng MMDA ang kanyang bangkay.

Kawawang si Puloy, walang tagapagalaga, pinabayaan ng kanyang walang pusong amo, kasuklam-suklam para sa mga tulad niyang palaboy na aso..

Advertisements

36 responses

  1. Hindi ba pwedeng gawing kaldereta si Puloy kahit na numipis siya dulot ng pagkakasagasa sa kaniya?

    Sa ibang bansa may mga batas na nagtataguyod sa kapakanan ng mga hayop partikular na ang mga hayop sa tahanan (maliban sa taong asal hayop)pero dito rin sa Pilipinas ay may mga organisasyon/pawndeysyon na sumusubaybay at tumutulong sa kapakanan ng mga hayop.

    Nandiyan ang PETA,PAWS,PAWB at kung anu-ano pa.

    Mayo 25, 2010 bandang 8:00 umaga

    • hayaan na yung aso.pers tings pers.

      marami pa rin ang mga batang kalye na ganito ang eksenang sinusuong sa araw-araw.

      kamusta jkul?dito naman tayo sa likod bahay ni bert mag inuman.hehehe!!!

      teka?sinong kumuha ng aso?!syet!

      Mayo 25, 2010 bandang 7:56 hapon

      • mga repa!! dala ko na pulutan natin. Nilitson ko yung drug pusher samin, tamang-tama ito isawsaw sa pinigang kili-kili.

        simulan mo na duki!

        Mayo 26, 2010 bandang 12:10 umaga

    • saludo ako sa mga organisasyon na yon. at mas sasaludo pa ako kung pati ang mga taong asal hayop ay tuturuan nilang magpakatao sa pakikisalamuha sa mga hayop.

      pyesta noon sa isang probinsyang napuntahan ko, kasagsagan ng inuman at sobrang sarap ng kain ko ng pulutang karne nang may narinig ako sa likuran:

      “ok yung pagkakaluto mo sa aso niyo a. di naging makunat.”

      bigla kong naalala ang alaga naming aso. si Doglas. kasunod nito ang pakiramdam ng pagkaumay.
      mas masarap pa din pala ang inihaw na tilapya.

      Mayo 26, 2010 bandang 12:01 umaga

      • Mismo, bata pa ako ng huli akong makakain nito, hindi ko alam na aw-aw ‘yon. Ah basta naglalaway ako, ayaw ko na.

        Sige tagay pa tayo, mas makulay kapag may aswete pare.

        Mayo 26, 2010 bandang 2:24 hapon

      • (**lagok, lagok, lagok**)

        aahhhh…..

        ..teka, alak ba o sawsawan nainom ko? ‘langya..

        Mayo 27, 2010 bandang 5:55 hapon

  2. kawawawa naman si puloy….

    malapit pa naman puso ko sa mga hayuf..

    nalungkot ako d2 kuya berting..

    shaks.

    Mayo 25, 2010 bandang 11:01 umaga

    • paalala lang ito na maging responsable tayo di lang sa ating mga alaga kundi pati na din sa mga kahayupan.

      hayop man, tao din..

      buti pa sumama ka sakin sa likod bahay. may session tayo dun, andun si jakuli, sasayaw!

      Mayo 26, 2010 bandang 12:32 umaga

      • hehe.. sasayaw ng takure.. yayyys!!

        Mayo 26, 2010 bandang 1:19 umaga

      • tamang tama may hamster ako sa bahay..

        nako ang bochog na nya !!!

        hohohoho

        ako si takure!!

        (with matching actions)

        Mayo 26, 2010 bandang 3:01 umaga

      • tantararantaran!!!!

        Mayo 27, 2010 bandang 5:31 hapon

  3. shaks bakit hindi ako base this time.

    Mayo 25, 2010 bandang 4:24 hapon

    • kawawa si Puloy, ingatan mo si Doglas mo kuya bert ha.

      Mayo 25, 2010 bandang 4:26 hapon

      • shaks shempre iingatan nya yan!!

        😀

        kakyut ni douglas the dogsters

        Mayo 25, 2010 bandang 8:48 hapon

      • binubusog ko naman sa alaga. parang gusto ko nga siyang damitan ng pang elvis e. haha

        Mayo 26, 2010 bandang 1:12 umaga

      • gusto ko sya damitan si douglas ng pang hoola hoola

        hawaiian beybe!

        Mayo 26, 2010 bandang 3:03 umaga

      • yehey may bagong pet na ang Sambablog yehey si Doglas yun, hindi na si ham2 yehey!

        Mayo 26, 2010 bandang 3:44 umaga

      • medyo mahiyain si Doglas e, ayaw nya na hind sya nilalaro. haha!
        paborito niyang laruin ang mataya-taya.

        Mayo 27, 2010 bandang 5:35 hapon

      • wahahahah hoy pong hindi naman ako pet a!

        teka marunong din ba mga luksong baka si doglas?

        tuturuan ko sya ng bang-sak!

        Mayo 28, 2010 bandang 9:37 umaga

      • marunong di sya nun tol…may kasunod nga lang na habol yung pagtalon nya. haha

        Mayo 28, 2010 bandang 11:58 umaga

    • sabi ko sayo wag ka magtatagal sa c.r. e..hehe

      magandang umaga…12:38am na dito e.

      Mayo 26, 2010 bandang 12:36 umaga

  4. bert,hindi puloy ang middle initial mo di ba?

    lang ‘ya!ang husay nang pagbabalik mo.

    sapok!!!

    magandang araw ‘tol!

    Mayo 25, 2010 bandang 7:53 hapon

    • hehe. bert puloy control. hindi bagay kaya di talaga pwede maging m.initial ko yan.

      ganito talaga pagnakakaligo kada araw sa isang linggo.

      sapok!

      Mayo 26, 2010 bandang 12:49 umaga

  5. Sphere

    Naisahan mo ako don ah kala ko pa naman tao galing clap clap pinakaba mo ako don kala ko happy ending 🙂

    Madalas kong panoorin ang Animal Planet grabe nila kung alagaan ang mga hayup lalo na ang mga aso sad to say kahit minsan di ako nakapag alaga ng aso o pusa bawal kasi sakin dahil sa hika ko 😦

    🙂

    Mayo 25, 2010 bandang 8:47 hapon

    • naiintindihan lang siguro nila na pag di natin inalagaan ang mga hayop e para na din nating pinabayaan ang sangkatauhan.

      may hika ka pala…try mo na lang mag-alaga ng mga hayop na walang balahibo,gaya ng anaconda.

      magangdang araw sayo!

      Mayo 26, 2010 bandang 1:06 umaga

  6. kakapanindig balahibo naman ang mundo nya.. tapos kahindik hindik pa ang kamatayan.. sayang na buhay.. nawala ng ganun lang..

    Mayo 26, 2010 bandang 12:53 umaga

    • habang lumalasap tayo ng halo-halo sa ilalim ng tirik na araw at pumapapak ng pizza sa isang bigating fast food ay may mga nilalang na lumalasap din ng alikabok ng kalsada at pumapapak ng pinagkainan natin sa tabi-tabi. nakakalungkot mang isipin, kasama yon sa realidad na binuo natin.

      magandang araw sayo mare…kahit madaling araw pa lang dito ngayon.

      Mayo 26, 2010 bandang 1:18 umaga

      • may kontribusyon tayong lahat sa mga pangyayari.. nakakalungkot lang na bingi na tayo..

        hayys.. walng sisihan.. walang anuhan.. simulan natin ngayon.. tamang tama.. may papasok na isang pagbabago..

        hmm.. kuya bert… laging ganito tema ng post mo.. pero gusto ko..=).. nakakabuhay ng ideya kong natutulog..hehe

        Mayo 26, 2010 bandang 1:25 umaga

      • impluwensyado lang ata ako ng mga pocket books ng Precious Romance kaya ganito mga posts ko.

        Mayo 26, 2010 bandang 2:15 umaga

      • Precious Hearts daw.. eh parang wala pa ‘kong nakitang halikan dito ah.. hehhee…

        Mayo 26, 2010 bandang 2:31 umaga

  7. penge naman pagkaen… madaling araw na po eh…

    Mayo 26, 2010 bandang 3:05 umaga

    • wag lang po asosena ha

      thanks bye

      Mayo 27, 2010 bandang 10:52 umaga

    • midnight snack o pilsen? hehe

      Mayo 27, 2010 bandang 5:38 hapon

      • midnight snack na lang po.. di ko po alam ang pilsen..

        Mayo 28, 2010 bandang 9:23 umaga

  8. Nadaan lamang po.

    Tao po. Ka Berting, hamos sa pagsabong.

    Hunyo 1, 2010 bandang 9:46 umaga

  9. yahey,, kala ko sobrang dami ko ng nakaligtaang post… mabuhay kuya berting!

    Hunyo 21, 2010 bandang 8:55 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s