…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Sa mga Martir na Kamote sa Kanayunan

Pula ang sinag ng buwan
Na nagpapaalab sa liwanag ng minimithing araw
Gabay mo sa pagtahak
Sa kasukalan ng inyong teritoryo
Alerto sa kada hakbang
Dulo ng sandata, tuwina’y nakaumang
Tangan ang mapamuksang mahaba
Proteksyon
Sa isang operasyong pagpapalaya
Nilisan mo ang kapatagan
Sa kabundukan pinanday ang kapalaran
Sa kanayunan isinapraktika
Ang dinidikta ng pusong
Sa kontradiksyon hinulma
Anong tindi ng bigat nang isakripisyo
Ang nakapanlulumong luha ng iyong magulang
Alang-alang sa kapakanan ng inang bayan
Pinili mo pa ding mahaluan
Ang gatas sa ‘yong mga labi
Ng pulbura ng bala sa ‘yong mga kamay
Nakibaka’t ipinaglaban ang pulang linya
Sa likod mo ay ang batalyong masa
Sa labanan, kakampi mo ang hubog ng kalupaan
Sa kagubata’y kasangga mo ang mga puno
Sa kalamigan ng gabi’y papag sa iyo ang mga damo
Sa digmang bayan
Katuwang mo mga karit at maso

At sa ‘yong pagpanaw

Kasama ka bawat umagang ngumingiti ang araw
Kasama ka sa pagbuhos ng ulan
Kasama ka sa tunay na panalangin
At higit sa lahat
Kasama ka hanggang sa tagumpay
Ng lupang masikhay mong ipinaglaban
Na minsang nadiligan
Ng ‘yong dugong Makabayan

Gaano pa nga ba kadami ang mga dugong maaaring pumatak
Nang ang Bayan ay makatindig sa sarili nitong pangyapak?

Advertisements

36 responses

  1. Palagay ko’y hindi naman kailangan ang pagpatak ng dugo para makatindig sa sariling pangyapak.
    Ang kailangan natin ay paninindigan na kaya nating maging isang bansa kung mismong tayong mga tao ay handang makibahagi sa mithiin.

    Iyong tipo ba na kapag gumising ka, mas kapakanan ng iba ang mananaig kesa sa unahin natin ang ating sarili, mas kung nakakaangat na tayo sa lipunan.

    Malinamnam ang pangarap ng aking bukas pero sa mga salita lamang nagiging mansyon ang payak na kamalig.

    Pagbigyan na muna.

    Hindi ako tumakbo pare.

    Hunyo 6, 2010 bandang 9:44 hapon

    • “malinamnam ang pangarap ng aking bukas pero sa mga salita lamang nagiging mansyon ang payak na kamalig.”

      tila ba kay sarap lasapin ng mga sinabi mong ito Mang Kulas, hindi ko masyadong naarok pero alam kong nanunuot sa’king pagkatao.
      buntong hininga’t taas kamaong nakatingin sa bandila na lang ang maiaalay ko sa mga Kabataang pinili ang sa baril mamuhay na sa baril din nahimlay.

      Hunyo 10, 2010 bandang 7:18 hapon

      • Kung mahal nila ang bayan, may paglilingkod na mas angkop kesa sa ialay ang buhay sa walang katapusang pakikipaglaban. Mali ang sinabi ko pero ito ang pananaw ko.

        Hunyo 11, 2010 bandang 2:27 hapon

      • nangangahulagan lang na mainam ang pagpapahalaga mo sa buhay ng mga Pilipino.
        Taas noo.

        Hunyo 14, 2010 bandang 9:28 hapon

  2. Sphere

    kaganda namn ng tribute mo para sa ARAW NG KALAYAAN 🙂

    Morning sayo kuha lng ako kape balik ako 🙂

    Hunyo 7, 2010 bandang 1:08 hapon

    • salamat sa muling pagtapak dito. may kape dyan sa may kusina. gatiting na nga lang ang asukal. pasensya. 😀

      Hunyo 10, 2010 bandang 7:20 hapon

  3. Sang-ayon ako kay kuya kulisap na hindi na kailangan pang dugo ang pumunas sa ating bayan.

    Sabi nga ng ng Tulang Bandila:

    Ako ang bandila ng Pilipinas
    Isinupling na may araw at bituin
    Bininyagan sa dugo at luha

    Kaya naman natin!

    Hunyo 7, 2010 bandang 4:05 hapon

    • kayamanan ang tula na ‘yan Boss Pong, at sadyang may mga nilalang na mas piniling banlawan ng dugo ang ating Lupa sa prinsipyong sadyang buhay ang inaalay.

      Hunyo 10, 2010 bandang 7:24 hapon

  4. saludo at pagpupugay para sa mga nauna nang nagbuwis ng buhay para sa pagpapalaya ng bayan.

    ang mga naiwan pang mangilan ngilang may prinsipyo para makipaglaban,hanapin natin ang landas ng kapayapaan para sa pagsulong ng tunay na paglaya.wala nang mao.wala nang castro.wala nang che guevarra na rebolusyonaryo.wala na rin si boni.iniwan na tayo ni joma.ang natitira na lang ay ikaw at ako.magbabago ang mundo sa ayaw mo’t sa gusto,ngunit sa palad natin ang sarili nating palad.bow.

    bow-wow-wow!

    Hunyo 8, 2010 bandang 7:33 umaga

    • ang kolektibong ‘ikaw’ at ‘ako’, ihakbang pa din natin ang mga paa sa prinsipyong walang buhay na maibubuwis. Maraming pa din namang mapagpipilian para makamit ang tunay na pambansang kalayaan. At ang ilan nga lang sa mga pagpipilian ay sa madugong rebolusyon patungo.
      Ba’t di natin simulan sa pagbabagong Kamalayan?

      magandang gabi ngayon sayo Boss Duki!

      Hunyo 10, 2010 bandang 7:42 hapon

  5. Berting, ituloy mo sa KAMALAYANG MALAYA.

    Huwag kang magpa-iwan sa kanila.

    Hunyo 8, 2010 bandang 10:44 umaga

    • ay patay tayo dyan…sige, igigisa ko ang utak ko sa bagoong isda nang mapilitang makasali.

      house & lot ba premyo?

      Hunyo 10, 2010 bandang 7:02 hapon

      • Mas higit pa sa house and lot. Wahahaha.

        Isa lamang akong patay-gutom pero nagbibigay ako ng munting alaala ng katalinuhan ng mananalo.

        ‘Yon lang.

        Hunyo 11, 2010 bandang 2:28 hapon

      • mas nakakapressure ang premyo! haha.
        isang napakakulay na alaala na di mababagyo kahit kailan di tulad ng house and lot.

        nasasabik ako.
        kaya lang pasukan na naman…okupado na naman ang utak ko.
        kailangan ko ng pray over mo Mang Kulas..

        Hunyo 14, 2010 bandang 9:23 hapon

      • O sige, ako’y maninikluhod sa mga anito ng bayag, baka makapagsimula ka na.

        Mag-aral maigi, para sa Bayan

        Hunyo 15, 2010 bandang 10:59 umaga

  6. sophialoverceal

    ge, diretso lang ang tahak…good..hehe
    maganda, magaling.

    Hunyo 9, 2010 bandang 6:36 hapon

    • oi kosa! napadalaw ka….salamat.
      galing din ako sa bahay mo, ang angas na nga ng theme mo ngayon e..hehe

      Hunyo 10, 2010 bandang 6:47 hapon

  7. boss bert kumusta?

    Hunyo 14, 2010 bandang 9:25 hapon

    • ayos lang boss Pong! bihira na lang ako makalakwatsa sa mga bahay nyo. pasukan na naman kasi. Pahirapan na naman makasimple ng tulog sa klasrum.

      teka, madalaw ka nga Boss..

      Hunyo 14, 2010 bandang 9:50 hapon

      • nag-aaral ka parin pala boss bert?
        ahhh oo tanda ko na yung mga post mong pang iskul bukul.
        wag papauli kay prof sa pagtulog.

        Hunyo 14, 2010 bandang 9:52 hapon

  8. bertcontrol

    sabi kasi ng lolo ko di daw natatapos ang pag-aaral e. dapat daw habang-buhay natututo. Lasing sya nung sinabi nya yon.

    Di naman ako nahuhuli. Madalas kasing absent ang prof na nanghuhuli.

    Hunyo 14, 2010 bandang 10:09 hapon

  9. magandang umaga noss bert

    Hunyo 15, 2010 bandang 12:49 hapon

  10. bro,inaaasahan ko na sasali ka sa pasiklaban.

    huwag mo kong bibiguin.sali ka na.

    Hunyo 20, 2010 bandang 8:49 umaga

    • hehe.
      lalo akong nag-alangan nung mabasa ko yung obra mo. haha.
      pero sige, magpapasa ako. Tatalunin ko lang muna mga halimaw sa nanunuyo kong utak.

      Hunyo 20, 2010 bandang 11:57 hapon

      • tama yan,men.

        saka halos tumugon na lahat ng kainuman natin eh.kailangan din natin mag hain ng kwento sa tagayan.ikaw na lang ang hinihintay.hehehe!

        Hunyo 21, 2010 bandang 6:56 umaga

  11. waw kuya berting… sundalo… sino po sundalo? daddy mo? kuya mo? ikaw? si doggie?

    bayani.. para sa bayani..

    fathers day? para sa mga tatay?
    mga tatay na nagbubuwis ng buhay hindi lang para sa mga anak, asawa, pamilya. kundi para sa buong bayan.

    hmmmmmm

    good morning kuya berting. late na ba ko? may palo ako? T_T

    Hunyo 21, 2010 bandang 8:44 umaga

    • mas kilala sila sa tawag na “kamote”. mga pulang mandirigma sa kanayunan para tuluyang sirain ang mala kolonyal at mala pyudal na sitwasyon ng lipunang Pilipino.

      salamat sa dalaw, bisibisihan lang ako sa ngayon.
      kape tayo!

      Hunyo 23, 2010 bandang 7:09 hapon

  12. nosebleed naman nito! haha

    clap clap 🙂

    Hunyo 28, 2010 bandang 7:42 hapon

  13. berto,huwag mong sabihing namundok ka nang kamote ka?

    asan ka na?

    Hulyo 5, 2010 bandang 11:35 hapon

  14. boss bert kumusta na?

    Hulyo 7, 2010 bandang 7:51 hapon

  15. aww

    taas kamaong pagbati !

    Hulyo 7, 2010 bandang 10:20 hapon

  16. Sphere

    oist! ano na? anyare?

    musta tol?

    Hulyo 13, 2010 bandang 9:39 hapon

  17. boss bert kumusta na po?
    be blessed!

    Hulyo 14, 2010 bandang 4:28 hapon

  18. yin

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    Hulyo 18, 2010 bandang 11:14 umaga

  19. bossssssssssssss bert!

    Hulyo 28, 2010 bandang 2:27 hapon

  20. Dapat siguro nating maunawaan na ang paglahok nila sa ganoong mga paraan ay di para sayangin ang kani-kanilang mga buhay.
    Marami nang nagbuwis ng buhay pero isa lang naman din ang gusto nilang sabihin.
    Ginawa at ginagawa ito ng iilan para matapos na ang pagdanak ng dugo. Dahil sa patuloy na mga pagpatay mas lalong dumarami ang lumalahok para labanan ito.
    Sa bawat pagputok ng mga baril, kapwa baril lamang din ang makakapagpatapos.
    Nagaalay sila ng buhay di para magpakabayani lamang pero upang mabuhay ng maaliwalas ang karamihan.
    At higit sa lahat para mabago na ang lipunan.

    -Sinikap kong magcomment kahit nananakit nanaman ang tyan ko. hehe. Kamusta kayo?

    Agosto 15, 2010 bandang 3:59 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s