…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Nangahas muli ang mga daliri

Isang gabi, sa harap ng pc monitor…

…ilang beses ko na atang tinangka. Nagtimpla pa ko ng kape’t nakinig ng kung anu-anong musical genres bilang seremonya. Alam ko gusto ko at ganado ako. Pero hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan ng utak kong gustong magsulat pero hindi alam kung anong mga salita ang isisigaw at ng kamay kong umaasa sa ididikta ng utak na parang na-mental block at walang masabi kaya hetong kamay e tuliro na din sa kung anong gawain ang dapat simulan.

Utak: teka! magandang ideya ‘to a..maisulat nga.

Kamay: teka! ok ‘tong larong ‘to a..malaro nga.

Utak: pano ko nga ba sisimulan? (nakatitig sa monitor) hhmmm..

Kamay: Ui! daming friend request…tangina, ganda netong ‘sang ‘to a..

Para bang kasing dami ng mga araw na lumipas ang mga ideya’t alaalang gusto ko sanang maisaletra. Mga konseptong naipon at napanis na lang. Inimbak ko sa utak ko ang lahat. Pero hindi nga pala ito tulad ng isang flash drive na kayang mag-store ng 550 mp3-songs at 2 movies. At ang nangyari, ang lahat ay parang pagkaing naburo; namaho, nasira at parang di ko na kayang tikman. Sinusubukan ko pa din i-scan paminsan-minsan ang mga “files”, sa kasamaang palad, ang ilan e “corrupted” na. Kung mabubuksan ko lang ang bubunan ko at makakakalikot, masundot-sundot ang mga nasa loob sana lang e maibalik pa ang mga kwento’t inspirasyon na minsan mo nang ginustong maisatitik.

"kapirasongkritika.wordpress.com"

Hindi ko alam kung sino ‘tong wirdong bigotilyong mama na nasa larawan at kung anong trip ang gusto nitong ipahiwatig. Naisip ko lang, ang utak ng tao madalas nakukulong na lang sa isang garapon kasama ng mga kung anu-anong mga bagay-bagay na sya mismo ang naglagay. At doon nya paiikutin ang tinuturing nyang makulay na mundo.

Utak:  shit! hindi ko alam kung malala lang talaga ang katamaran ko o sadyang tinatamad lang talaga ako..

Kamay: pwede both? …tingin ko ako dapat magsabi nyan..

Utak: sino ba kasi nag-imbento ng salitang priority?

Kamay: di ba mga taong abala sa buhay ang madalas gumagamit ng salitang ‘yon?

Utak: malay ko? …ewan. basta, gagawin ko kung ano gusto kong gawin..

Kamay: ang priority minsan nagiging necessity…mahirap matakasan yun! at madalas sa bawat desisyon, kaakibat nito ang tanong na “para kanino?”

**TheEnd**

Advertisements

20 responses

  1. Sphere

    Anyare? ano ng balita? kmusta kana? yan ang sinasabi ng utak ko sa ngayon ahahaha 🙂

    Setyembre 4, 2010 bandang 2:40 hapon

    • ‘eto, mukha pa ding kangkong… maski ako walang balita sa sarili ko kung bakit ako di na nakakapaglandi dito..haha.
      salamat sa dalaw..

      Setyembre 6, 2010 bandang 6:37 hapon

  2. boss bert welkam bak!
    kumusta boss bert!

    yehey!

    Setyembre 6, 2010 bandang 12:15 hapon

    • tama si kamay at utak, pwedeng both?

      Setyembre 6, 2010 bandang 12:16 hapon

    • nakakahiya kuya pong…nawala ako ng walang paalam. ‘eto ako ngayon, sana’y makaharot ang mga dating kaharutan.. 🙂

      Setyembre 6, 2010 bandang 6:40 hapon

      • ok lang yun ang importante nakabalik ka na
        brohug parekoi

        musta pag-aaral?

        Setyembre 6, 2010 bandang 6:44 hapon

  3. pag-aaral? ok naman yung mga klasmeyt kong matatalino’t masisipag, sandigan pa din sa oras ng pangangailangan, lalo na pag-exams. 🙂

    Setyembre 6, 2010 bandang 6:57 hapon

    • yan ang namiss namin ang tatak nilangangsisiw

      mag-aral ng mabuti boss bert, pakopya ako ahahaha

      magpapa-party ka dapat kasi bumalik ka na!

      Setyembre 6, 2010 bandang 7:15 hapon

  4. hahaha!nagbalik ka na nga pala.

    kamusta tol bert? marami ka nang namiss at marami rin marahil naka miss sayo.

    sulat lang ng sulat.kamalayan ang nagdidikta sa kumpas ng kamay at limitasyon ng utak.

    huwag mo silang hayaang magtalo at maglaban.

    Setyembre 8, 2010 bandang 11:04 hapon

    • ayos lang naman ako, nagbabalik pero di naman talaga naglayas. 🙂
      napakadami kong ngang namiss, isa na don yung mga patimpalak ni Mang Kulas..

      ..minsan lang talaga, nakukulong ang kamalayan mo sa mga dekahong kultura na sadyang hahadlang sayo na gawin yung mga bagay-bagay na gusto mong gawin.

      wala lang..

      Setyembre 13, 2010 bandang 8:04 hapon

  5. Dumaan, balita ko nagbalik ka na. Ang kapal ko, hindi mo ako kilala pero nababalitaan kita. O ha? Chismosa lang. =)

    Setyembre 11, 2010 bandang 11:25 umaga

    • hello salbehe, kilala kita, minsan na kitang nakainuman sa sinehan..ikaw nga ba yun? haha… salamat sa pagdalaw. Nagbalik na nga ako, at tulad pa din ng dati…may maisulat lang.

      Setyembre 13, 2010 bandang 7:55 hapon

  6. tol bert,heads up!saranggola blog awards.

    sali na!!!

    Setyembre 13, 2010 bandang 10:10 hapon

    • mukhang magandang patimpalak nga ‘to, nabasa ko yung entry mo…as usual, alam mo na kung anong komento ko. Apir!

      padayon!

      Setyembre 15, 2010 bandang 5:30 umaga

  7. The End.

    Priority.

    Go ahead forehead.

    Musta Pareng Berting?

    Setyembre 15, 2010 bandang 2:55 hapon

    • salamat sa muling pagtapak dito boss jakuli.
      ayos pa din naman ako, yung mukha ko lang ang di ayos.

      Setyembre 17, 2010 bandang 12:29 umaga

      • Naku malaking problema ‘yan. Hindi kita matutulungan kasi, nauubos ang oras ko sa pag-iisip kung paano ko din susulosyunan itong aking face. Muriatic acid? Watyatink?

        Setyembre 17, 2010 bandang 8:47 umaga

      • miserable na po ba? hehe.. tingin ko effective nga ang muriatic acid para totally furnish.

        Setyembre 20, 2010 bandang 2:13 hapon

  8. boss!

    Setyembre 17, 2010 bandang 8:48 hapon

    • naks! bumablag na din.. Padayon!

      Setyembre 20, 2010 bandang 2:05 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s