…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Oo nga pala…

…kung paano sinulyapan ni Pedro ang kanyang likuran:

Maglilimang taon na din akong kumikilos. Halos limang taon na akong sumisigaw sa lansangan. Maglilimang taon na din akong nag-aalay ng dugo’t pawis, sakripisyo para sa sambayanan. Para sa Rebolusyon. Para sa masa. At sa halos limang taon na ‘yon, unti-unti, hindi ko na napagninilay-nilayan …sino nga ba ang masa?

Ako si Pedro. dalawamput-limang taong gulang. Dating estudyante. Pangarap ko pa noon makapagtrabaho sa iba’t-ibang bansa. Maging mayaman. Makapagpatayo ng magarbong tirahan. Kasing taas ng mga building sa Makati ang pangarap ko noon. Pero ni basong pinag-inuman mula sa Starbucks ay di man lang ako nakahawak.

Ang pamilyang pinanggalingan ko ay tinawag na uring Anakpawis. Isang uri na humila sakin para ako ay maorganisa at mamulat. Sa loob lang ng ilang buwan. Dahan-dahang nag-iiba ang mga pananaw ko sa mundo, sa tao, sa lipunan. Hanggang sa lansangan na ang nagsilbi kong tirahan at ang mga salitang ‘kalayaan’, ‘demokrasya’, ‘pakikibaka’ ang karaniwang laman ng aking sikmura. Ako na dating estudyante, na mas piniling paglingkuran ang sambayanan kaysa sa silid-aralan. Nangarap makapag-organisa sa kanayunan. Mamuhay ng simple. Manirahan sa piling ng mga masa. Kasing taas ng kabundukan ng Sierra Madre ang mga pangarap kong ‘yon. Pero ni simpleng pag-aalala mula sa’king mga magulang ay di ko man lang natugunan.

Dalawamput-dalawang taong gulang ako nang magpasya akong humiwalay sa pamilya at mamuhay kapiling ang mga masang-api. Nakidigma para sa interes ng mayoryang napagsasamantalahan sa kanayunan. Nakibaka para sa pambansang demokrasya. Sa kalayaan. Minahal ang sambayanan pero hindi naramdaman ng sarili kong mga magulang. Mas maraming natamong tagumpay kaysa pagkabigo. At mas marami ding panahong lumipas na di ko nahaplos ang likod ng nanay ko sa tuwing sya’y inuubo. Nagkakasakit na dahil sa pag-aalala sa kanyang anak.

Dekada din ang dumaan..

Napa sa kamay na natin ang pampulitikang kapangyarihan. Tagumpay na tayo. Malaya na ang sambayanan. Limang taon din akong kumilos. Halos limang taon din akong sumigaw sa lansangan. Limang taon din akong nag-aalay ng dugo’t pawis, sakripisyo para sa sambayanan. Para sa Rebolusyon. Para sa masa. At sa limang taon na ‘yon, kung kailan patay na ang mga magulang ko, saka ko lang napagnilay-nilayan… Sila nanay at tatay, oo nga pala, walang pinag-iba sa pinagsilbihan kong mga masa. Ang pamilyang minsan kong iniwan, oo nga pala, bahagi din ng sambayanang minsan kong pinaglaban.

Advertisements

3 responses

  1. STP!

    minsan din akong naging kabahagi ng ganyan boss bert, nasabi ko din sa sarili ko na hindi ako mangingibang bayan. naglingkod sa Pilipinas pero ang lahat ng pagiging “idealistic” ko ay bigla ko na lamang kinain sa hindi ko malamang dahilan.
    Ang pakikibaka ni Pedro at marami pang uri ni Pedro ay isang matapang na gawain. Para sa Bayan, Para sa Pamilya at palagi itong bilin sa akin na ang paglilingkod sa Tao ay paglilingkod din sa Diyos.

    STP!

    Nobyembre 30, 2010 bandang 9:10 hapon

    • marami ang mga tulad ni pedro na mas pinipiling yakapin ang mas malaking hanay ng sambayanan kaysa sa sariling pamilya. Para sa kalayaan nito.

      isang pagpupugay sayo kuya pong sa pakikibahagi mo sa mga ganito. Salamat sa pagbisita. Magandang Araw.

      Serve the Pips!
      Serve the Rev!

      Disyembre 4, 2010 bandang 10:13 umaga

  2. hoy berto!

    si pedro ay isang bahagi lang ng isang malawak na basag na salamin na kung tawagin ay MASA. dahil ang masa na gaya ni pedro, ay ang masang lumalaban para sa mas mataas na layunin para sa pangkalahatang masa na ang karamihang sinasalamin ay pag-papagamit, pagpapati-anod at pagkakuntento sa lipunang kinamulatan.

    ang katulad ni pedro ang masang nagbibigay dangal sa masang ninakawan na ng dangal.

    Disyembre 9, 2010 bandang 9:20 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s