…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Ako bilang Hari ng Sarili kong Espasyo

“Ako…”
Sabi sa isang sociological theory, nabubuo ang “ako” dahil sa “inyo”. O naging ganito “ako” dahil sa “kanila”. Sa madaling sabi, produkto ka ng mga taong nakapaligid sayo. Para silang salamin ika nga, nagkakaroon ka ng konsepto ng sarili mo dahil yon ang nakikita mong imaheng repleksyon ng sarili mo sa iba.

Papano ko nga ba ipapakilala ang sarili ko?
Isa akong di pangkaraniwang nilalang na may pambihirang kapangyarihan dahil lumaki ako sa piling nina Batman, Spiderman, Wolverine, Superman at Captain Barbel. Parang may mali.

Dibale na nga lang…
Isa nga pala ako sa mga daan-daang taong nakakasalubong mo araw-araw, hindi tayo magkakilala pero minsan na tayong nagkasakay sa isang jeep o bus. Nag-unahang pumara sa iisang taxi at malay natin, nagkatabi na pala tayo manood sa isang sinehan.

·    Wala akong kahilig-hilig sa pagsusulat lalo na sa pagba-blog.
·    Ayaw na ayaw kong humaharap sa monitor ng computer
·    Hindi ko hilig ang pag-iinternet
·    Masyado akong mahiyain, takot ako sa tao.
·    Hindi ako nagpapahayag ng anumang opinyon
·    Masipag ako maglinis ng bahay, may bitbit nga akong walis tambo kahit san ako mapunta.
·    Maaga lagi ako natutulog sa gabi, nauuna muna ang tulog bago hapunan.
·    Maaga naman ako gumigising araw-araw, ako pa ang gumigising sa alaga naming manok.
·    Wala sa bokabularyo ko ang salitang “pagpupuyat”. Health-conscious ako.
·    Maaga lagi akong dumadating pag may mga usapan, 1 hour before nasa meeting place na ko.
·    Hindi ko paborito ang pizza, nandidiri ako kumain ng adobo at sinigang, may phobia ako sa kape.
·    Hindi ako baduy, gustong-gusto ko lagi akong nakaporma kahit matutulog lang sa bahay.
·    Gustong-gusto ko ng ipis. Lalo na kapag lumilipad, ang sarap nila pagapangin sa batok.
·    Nagre-reply ako kahit di naman ako tinext.
·    Wala din akong kahilig-hilig sa mga galaan lalo na pag out of town, nagkukulong lang ako sa bahay at nagrorosaryo maghapon.
·    Ayaw ko ng alak. Birch Tree ang tinatagay ko pag nagkakayayaan.
·    Masunurin ako sa ano mang pinaguutos at mahusay akong sumusunod sa mga instructions lalo na yung mga nakalagay sa plastic ng mga sitsiriya.
·    Wala akong pakialam sa kalagayan ng kapaligiran ko. Bahala sila makagat ng aso.
·    At higit sa lahat, HINDI-AKO-MAHILIG-DI- MAGSABI-NG-HINDI-TOTOO.

Advertisements

7 responses

  1. salamat sa dalaw sa blog ko. balik ako sunod para basahin mga akda mo. lalo na ang tula.

    Pebrero 10, 2010 bandang 2:13 umaga

    • …thanks! ok ung mga artwork sa blog mo aa. at yung mga akda mo, mga di kombensyonal na sining. Ayos!! magkamayan tayo sa isip.. 😀

      Pebrero 14, 2010 bandang 11:25 umaga

  2. Mahusay na Pilipino ito.

    Ito ang salamin ng pagiging Pinoy.

    Hindi naman natin kailangang magpabago ng pangalan lalo na kung hindi naman dapat.

    Sapat nang may halaga tayo sa mundo, ayos na ‘yan.

    Abril 29, 2010 bandang 3:26 umaga

    • Salamat sa pagtambay kasamang j.kul.

      …lalo na kung mabango at matatamis ang nakasabit sa pangalan mo, ba’t pa kailangang magpalit.

      talagang makikita ang pagiging pinoy ‘pag sa ibang lupa ka nakatungtong.

      Abril 29, 2010 bandang 1:18 hapon

  3. May repleksyon ka sa akin at ako sa’yo..

    at hindi naman kailangan maraming paliwanag.. sa simula pa lang ng listahan sa taas alam ko ng pinakatama yung nasa hulihan..=).., yun din ang repleksyon ko..

    Mayo 21, 2010 bandang 6:13 umaga

    • dinaan ko lang sa palabok. di lang talaga ako marunong magpakilala ng sarili. 😀

      Mayo 22, 2010 bandang 5:44 hapon

  4. oyes. Dramaturgical Approach. Daming drama. hehehe.

    Agosto 15, 2010 bandang 4:05 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s