…tambayan, kwentuhan, at inuman ng mga maiinit na ideyang tinimpla sa tintang may aroma.

Ang “nilagangsisiw”

Hindi ko lang siguro pinagiisipan, ewan ko kung ano ba talaga ang esensya ng blog na ‘to at kung ano ang maaaring maging epekto nito sayo, sa kapitbahay mo at sa alaga nilang aso.
Anyway…
Ang nilagangsisiw ay kalipunan ng mga samu’t-saring kwento, tula, sanaysay at kung anu-ano pang mga kabaliwan na nakakabagot basahin o pagtuunan ng pansin, likha ng isang nilalang na mukhang kangkong at mahilig tumipa ng mga letra’t ideyang nabibingwit sa palaisdaan sa pagitan ng kanyang dalawang tenga.
Umusbong ang salitang nilagangsisiw dahil sa kaharutan ng imahinasyon ng nasabing may akda. Ito ay may napakalalim na kahulugan ng ang ibig sabihin ay…..sisiw na nilaga….o,  pinakuluang sisiw…hinuli sa bakuran at isinapaw sa sinaing. Sa sobrang lalim ng kahulugan, mga piling tao lamang ang ilan sa mga nakakaunawa…kalimitan ay mga baliw.

Nilagangsisiw, isang salita, ideya o konseptong sumisimbulo sa mga radikal na sistema, prinsipyo o ideolohiya na sa isang banda, maaaring makatulong sayo o makasira. Sa bawat salitang bumubuo sa isang kwento, sa bawat pantig na kumukumpas sa isang tula, at sa bawat argumentong ibinabato ng isang sanaysay na likha ng may akda, nakalibing dito ang isang radikalismong nakadamit kombensyonal na aakay sayo na lumabas mula sa nakagisnan mong kahon kung saan naglipana ang sari-saring ilusyon.

So para sayo talaga ‘to kaibigan.
‘wag mong hayaang mapanis na lang ang utak mo gawa ng mga pop-culture o mga bulok na kultura ng lipunan.
Why don’t we have some mind-blowing coffee session?

‘lika! Marami tayong pwedeng pagusapan… (*_^)

“ beneath this mask is more than flesh, beneath this mask is an idea, and this idea is bullet proof. “

–from the movie:
V  for Vendetta

8 responses

  1. para akong naglalakad sa bagong linis na sahig, habang nag iiwan ng komentong to.
    nagdadalawang isip pa kung isusulat ko ang mga letra o nde.
    sana di ko narumihan ang pahinang to.

    katulad nila, nakakaunawa din ako.
    uu, baliw nga.

    salamat sa pagbisita sa munting bahay ko.
    at napangiti, ako sa gilid naka paskil pala ang “mapa” papunta sa kubo ko.

    kamusta ang pulboron? malamang ubos na.

    Marso 24, 2010 bandang 2:26 hapon

    • welcome na welcome kayo mag bandalismo sa tambayan ko 🙂 basta may mapaguusapan…
      salamat sa pagdaan! di na ko nakakapagpost ng bago e, bisibisihan kasi ko sa ibang mundo.
      next time na dalaw mag iiwan na ko ng kape… 🙂

      Marso 25, 2010 bandang 4:32 hapon

    • ubos na nga…tinira ng mga langgam e. tapos namahay pa sa drawer ko.

      Marso 25, 2010 bandang 5:16 hapon

      • sa susunod wag ka bumili ng pulburon na may asukal

        Marso 26, 2010 bandang 8:23 umaga

  2. Naamoy ko ang nilagangsisiw na nilalantakan ni Tutubi.

    Ano ang sawsawan? Dugo ng puting guyam?

    Tara, mag-inuman na tayo ng tuba na may kape.

    Abril 7, 2010 bandang 7:30 umaga

    • naku, nakakahiya naman at napadaan ka dito nang maagiw ang sulok-sulok.
      di ko pa kasi nalilinis yung mga nakatay kong sisiw e.

      Salamat pala sa pagtambay! 🙂

      tuba na may kape…ambangis nun a, samahan na din natin ng manggang hilaw. 🙂

      Abril 10, 2010 bandang 12:09 hapon

  3. flattopsatcurlytops

    napadaan lang po kasi napukaw ang aking atensyon sa avatar mo.. obviously, love ko ang aso.. hehehehe aso mo ba yang nasa pic? yung akin ay hindi.. hehehehe wala lang..

    Hunyo 21, 2010 bandang 10:56 hapon

    • ui flatty! adik ka din pala sa mga aso.
      aso ko nga ‘to, si Doglas…mabait! …pagtulog.

      welkam dito sa bahay!

      Hunyo 23, 2010 bandang 7:04 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s